Default Thumbnail

Chinese nat’l tumilapon sa jetski, patay

August 17, 2021 Gil Aman 413 views

NALUNOD sa lawa ang isang 23-anyos na Chinese national nang tumilapon ito matapos aksidenteng masira ang steering wheel ng sinasakyang jetski Linggo ng gabi sa Bgy. West , Talaongan, Cavinti, Laguna.

Ayon sapulisya ang biktima ay residente ng Nonach Building Paday City.

Ayon sa imbestigasyon ng Cavinti police, dakong 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, nasa kalagitnaan pa lamang ang jetski ng biglang bumigay ang steering wheel ng sasakyan kung kaya’t tumilapon ito sa tubig at nalunod.

Sinubukan ng mga tauhan ng Cavinti PNP na mahanap ang biktima subalit hindi nila ito natagpuan.

Isinagawa ng pamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office katuwang ang Pagsanjan frogman ang rescue operation kinaumagahan kung saan dakong 2:52 ng hapon natagpuan ang bangkay ng biktima.

Ayon sa pulisya, ang biktima na business partner sa Aqua Escape Resort na may isinasagawang proyekto sa lugar subalit pansamantalang stop ang operation dahil sa ipinatutupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) dahil sa quarantine classification.

AUTHOR PROFILE