Default Thumbnail

Chinese nat’l na lulan ng SUV, sumalpok sa barrier sa Ermita

December 1, 2022 Jonjon Reyes 225 views

NATAPYAS ang unahang bahagi ng isang Toyota Fortuner SUV (sport utility vehicle), nang sumalpok ito sa isang concrete barrier na pag-aari ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa northbound lane sa Padre Burgos Street sa Ermita, Maynila Huwebes ng madaling araw.

Base sa ulat ni Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Enforcement Unit (MDEU), pasado alas 4:45 ng madaling araw, nang bumangga sa concrete barrier ang minamanehong sasakyan ng biktima sa nasabing lugar.

Posibleng nakatulog diumano ang drayber na Chinese national, nakatira Binondo, Maynila.

Hinala ng pulisya, dahil sa may kadiliman ang lugar, ay hindi nito napansin ang barrier at tuluyang mabangga ito.

Dahil dito nasira ang unahang bahagi ng SUV at dumapa ang harapang bahagi ng gulong nito sa lakas ng impact at masuwerteng nagtamo lamang ng galos ang drayber nito.

Gayunman, nahaharap pa rin ito sa kasong damage to property dahil sa mga napinsala ng pag-aari ng lungsod at magpositibo ito sa alcohol ayon kay Patrolman Jenario Racca.

AUTHOR PROFILE