Patay Sinisiyasat ng SOCO sa pamumuno nina PLt. Col. Joselito Savares at PLt. Gloria Cortes ang asul na Subaru kung saan pinagbabaril ang Chinese national na si Naiqian Yuan ng RIT sa Malate, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Chinese nat’l itinumba ng RIT bago mag-lockdown

August 3, 2021 Francis Naguit 576 views

Killers rumaket muna bago mag-ECQ

MISTULANG rumaket pa ang di pa kilalang riding-in-tandem killers at itinumba ang isang Chinese national sa loob ng sasakyang Subaru sa Malate, Manila.

Ang pinaslang ay nakilalang si Naiqian Yuan, 34, residente, ng 76 Jerico St., Multinational Village, Parañaque City.

Si Yuan ay binaril ng dalawang riding-in-tandem sa motorcycle 3:55 p.m. noong July 29, 2021 sa kahabahan ng M.H Del Pilar sa Malate, Manila.

Ayon sa initial na investigation na pinangunahan ni PLt. Col. Cristito Acohon , hepe ng Station 9, si Yuan ay natagpuang nakaupong wala nang buhay sa loob ng kanyang sasakuan ng mga miyembro ng MPD Police Station 9.

Ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng baril. Ang kanyang mga labi ay dinala sa Funeraria Cruz para sa safekeeping at kaukulang autospsy.

Ayon pa sa initial investigation, ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang Subaru nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril siya.

Ang mga suspek ay tumakas patungo ng Aldecoa St. papunta ng Roxas Blvd.

Ang ilang detalye ng insidenteg ay inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni PLt. Col. Joselito Savares. By FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE