Chinese

Chinese national ninakawan ng P300K

August 22, 2024 Bernard Galang 221 views

PINASOK at ninakawan ng mga hindi kilalang suspect ang Chinese national sa kanyang bahay noong Huwebes sa Cabanatuan City at nakatangay ng P300,000 cash at mga importanteng dokumento.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Cabanatuan police ang biktima na si Sam Lee, 45, residente ng Brgy. Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sakay ng puting van (NGJ-5273) ang mga suspek na biglang dumating at pinasok ang apartment ng biktima at sapilitang kinuha ang isang duffle bag na naglalaman ng P300,000 cash at ang safety vault na naglalaman ng mga dokumento at saka tumakas.

AUTHOR PROFILE