Dr. Henry Lim Bon Liong Dr. Henry Lim Bon Liong

Chinese businessmen itinangging pinilit sila ni Sen. Imee na bumili ng MiM tickets

August 21, 2022 Eugene E. Asis 705 views

NAKAUSAP ng ilang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na si Dr. Henry Lim Bon Liong at itinanggi niya na pinilit ni Senator Imee Marcos ang kanilang grupo na bumili ng milyun-milyong halaga ng passes para sa pelikulang Maid in Malacañang.

“Ang federation naman, every month, andami naming natatanggap na mga letters, ‘no, solicitation or whatever,” pahayag ni Dr. Henry noong Agosto 19, Biyernes ng hapon, sa Kamuning Bakery Cafe sa Judge Jimenez St., Quezon City.

Pahayag ni Dr. Lim Bion Long, “Being a business organization, Filipino Chinese Chambers of Commerce, siyempre pinagbibigyan namin, ‘no?

“E, karamihan naman, para naman sa charity organizations ito, e. Kaya ang natanggap namin, ito… para sa nutribun project para sa mga mahihirap.

“So, binigyan namin ng OK na ito. Kasi siyempre, sa dami ng mga tiket ng Maid in Malacañang, inisip namin kung saan ibibigay ang mga tiket na ito.

“Unang-una, akala naman namin, comedy lang ito, di ba? Kasi, Maid in Malacañang, di ba?

“Ikako, dahil comedy, dapat sa mga kabataan ito. So, ibinigay namin sa mga eskuwelahan, sa mga kabataan, sa mga estudyante.

“Binibigyan namin sila na ano… Meron din kaming statement dito, ‘no, na wala kaming intensiyon na masama para sa mga kabataan natin.

“Alam mo, after nangyari yun, lalong lumakas ang tiket. Andaming tumatawag sa federation, humihingi ng tiket.”

Singit ni Wilson Lee Flores na may-ari ng Kamuning Bakery, “Pati government official, humihingi! Hindi naman ganyan kadami!”

Pag-ayon ng 71-anyos na si Dr. Henry, “Oo, kaya nagkaubus-ubos ang tiket. Kaya ito, parang naging blessing-in-disguise ito.

“Pero this is just to say that the federation is always apolitical. Wala kaming inaano na… never makikita ang federation na nag-e-endorse ng isang pulitiko or whatever.

“Basta whoever would be the administration party, talagang wholeheartedly we are committed to support.”

AUTHOR PROFILE