
Chie rumesbak kay Dawn: 2025 na, tumigil ka na
Sinagot ni Chie Filomeno ang akusasyon sa kanya ng dating co-member sa GirlTrends na si Dawn Chang.
Lumutang sa social media ang lumang interview kay Dawn nina Anjo Yllana at Stanley Chi sa One News YouTube segment na Men’s Room.
Isang netizen ang nag-post sa X (dating Twitter) ng nasabing interview ni Dawn at nakatag si Chie.
Sa nasabing panayam ay tinanong si Dawn ni Stanley ng, “Meron ka na ba nakaaway na artista?”
Sagot ni Dawn, “Meron ba? Wala ako maalala. Ahhh, meron isa lang pero pinagtanggol ko lang sarili ko ah.”
Tanong ni Anjo, “Bakit, ano issue?”
Sagot ulit ni Dawn. “‘Etong si girl nagre-rehearse kami ng dance inagawan ba naman ako ng position sa steps tapos inaway ako, nagpa-interview pa, ako daw nang-away.”
Tanong ni Anjo, “Si Cristy Fermin ba ‘yan?”
Sey ni Dawn, “Hindi ‘no pero ka-initials niya at meron na siyang sinabunutan dati.”
October, 2024 pa ang nasabing panayam pero ngayon lang nag-trending dahil nga naka-tag si Chie.
Siyempre, nabasa ito ni Chie at sinagot si Dawn. Mariin niyang pinabulaanan ang sinabi ng dating kasamahan.
“Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako @thedawnchang? (laughing emoji),” bungad ni Chie.
“About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun,” paglilinaw ng aktres.
Sinabihan din niya si Dawn na nagsisinungaling.
“Actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila. Your mouth is full of lies talaga no?” mensahe niya kay Dawn.
Hamon pa ni Chie, “Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo ‘Pinagtanggol ko lang sarili ko ah’.”
Hindi na nagdetalye pa si Chie kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
Pagkatapos nito ay muli siyang nag-tweet. Aniya ay last post na niya ito.
“Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn. 2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop.
“Last ko na to,” saad ni Chie.
Matatandaan na dati nang kumalat ang balitang may alitang namagitan sa dalawang former members ng GirlTrends ng “It’s Showtime.”