Cherry Pie Picache

Cherry Pie, kinumpirma ang breakup kay Edu

December 20, 2023 Vinia Vivar 267 views

HINDI na nakaiwas pa si Cherry Pie Picache nang makorner ng entertainment press tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Edu Manzano.

Matagal nang bulung-bulungan na hiwalay na sina Pie at Edu pero wala pang opisyal na pag-amin mula sa kanila.

Sa grand mediacon ng Metro Manila Film Festival official entry na Firefly, kung saan ay isa si Cherry Pie sa cast, natanong siya kung malamig ba o masaya ang kanyang Pasko.

Natawa siya at medyo hindi pa malaman kung ano ang isasagot. Then she said, “Siguro ano, ‘di ba, sa edad kong ito ngayon, I cannot depend my happiness anymore on somebody else. Besides, dapat din buo ako or whatever or kumpleto ako kung magmamamahal ako ulit.”

Sa word na “ulit,” siyempre ay malinaw na pag-amin ito na wala na nga sila ni Edu at kasunod nito ay sinabi niyang magkaibigan na lang sila.

“We’re very good friends, he’s a very good person, very good friend and you know, we will always love each other. So, ‘yun,” pag-amin ni Pie.

Hindi na nagdetalye pa ang aktres hinggil sa breakup pero okay siya at ang importante ay na-maintain nila ang friendship.

Hindi rin naging madali ang proseso ng moving on pero nalampasan niya at ngayon ay naka-move on na siya.

Hindi niya isinara ang puso sa panibagong pag-ibig kung may darating.

“Ba’t hindi? Pero habang wala, ‘di masaya ka sa sarili mo, lalo na after the pandemic, ‘di ba, ‘yung self-love, hindi mo na pwedeng iasa ‘yung kaligayahan mo or ‘yung kabuluhan mo bilang tao sa ibang tao,” she said.

Naging emosyonal si Pie nang mahingan ng komento tungkol sa pagyao ng veteran actor na si Ronaldo Valdez.

“Actually, hindi pa ako nagpo-post. If there’s any senior actor na medyo, you know, I can say that, you know, I got kinda close with, isa si Tito Ron do’n,” emosyonal na sabi ng aktres.

Hindi pa siya nagpo-post dahil parang ayaw pa niyang isipin na wala na ang batikang aktor.

Samantala, ang pelikulang Firefly ang unang pakikipagtrabaho ulit ni Pie sa GMA Films after more than a decade. Aminado siya na nanibago siya working with GMA again dahil wala siyang masyadong kilala pero sobrang warm at welcoming daw ang buong team.

Showing na sa Dec. 25 ang Firefly mula sa direksyon ni Zig Dulay. Nasa cast din sina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Max Collins at marami pang iba with the special participation of Dingdong Dantes.

AUTHOR PROFILE