Chelsea bilang Miss Universe Asia malaking karangalan sa Pilipinas
HINDI man naiuwi ang korona ng kinatawan ng Pilipinas na si Chelsea Manalo sa 73rd Miss Universe pageant na ginanap sa Arena CDMX in Mexico City last Saturday evening, November 16, 2024 (November 17 ng umaga sa Pilipinas) at pumasok lamang siya sa Top 30 finalists out of 125 candidates from all over the world, hindi siya uuwing malungkot dahil tangan niya ang kauna-unahang titulo ng Miss Universe Asia. She will be travelling all over Asia at kasama rin siya sa ilang trips ng Miss Universe.
Bukod kay Chelsea, ang Miss Universe Peru ang tinanghal na Miss Universe Americas, Miss Finland as Miss Universe Europe at si Miss Nigeria as Miss Universe Africa and Oceania.
Masayang-masaya naman ang Miss Universe Philippines organization sa karangalang nakuha ni Chelsea.
Pinasalamatan ni Chelsea ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanyang journey, mga kababayan all over the world na nagpakita ng suporta at pagmamahal, her parents Contessa Manalo and Randy Angeles na lumipad patungong Mexico para ipakita ang kanilang support.
Samantala, si Miss Denmark Victoria Kjaer Theilvig ang kinoronahang 73rd Miss Universe 2024 (first for Denmark) at ang korona na gawa sa Pilipinas ay ipinutong sa kanya ng 2023 Miss Universe (from Nicaragua) na si Sheynnis Palacios (also first for Nicaragua).
Si Chelsea ang kauna-unahang Filipino-African-American na kinoronahang Miss Universe Philippines nung May 2024.
Bago ang kanyang Miss Universe journey, si Chelsea ay sumali rin noon sa 2017 Miss World Philippines pageant at pumasok lamang siya sa Top 15 out of 52 candidates sa buong Pilipinas. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa, sumubok siya sa 2024 Miss Universe – Philippines at siya ang nakakuha ng crown.
Si Chelsea has a Filipina mother and an African-American father. Nagkahiwalay ang kanyang parents in 2000 nang hindi pumayag ang kanyang ina to join her father to relocate in the U.S. Sandali ring nanirahan sa Las Vegas, Nevada si Chelsea with her paternal grandmother pero muli siyang umuwi ng Pilipinas to be with her mother. Nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama, muling nag-asawa ang kanyang ina. Silang mag-asawa ang nag-alaga kay Chelsea. Her stepdad treated her just like his own daughter.
Isang taon din niyang gagampanan ang duties bilang very first Miss Universe Asia.
Sarah G hindi nagpakabog sa mga bagong henerasyon ng performers
SA darating na February 20, 2025, celebrity couple Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo will be celebrating their 5th anniversary bilang mag-asawa at marami ang naghihintay sa pagkakaroon nila ng baby. Although isa ito sa pangarap ng couple, ayaw nilang i-pressure ang kanilang mga sarili pero patuloy silang umaasa na isang araw ay ipagkakaloob ito sa kanila ng Diyos. Sa ngayon ay pareho nilang ini-enjoy ang isa’t isa. They travel together when their schedules permit at pareho rin nilang hinaharap ang kanilang respective careers at supportive sila sa isa’t isa.
Marami ring fans ni Sarah ang naghihintay na muli itong bumalik sa concert stage for a major solo concert, magkaroon ng bagong song, new album at bagong movie. Umaasa rin ang kanyang supporters na muli itong bumalik sa “ASAP Natin `To” where she used to be a mainstay para regular nilang napapanood ang husay nitong kumanta at mag-perform, sumayaw at mag-host.
Speaking of Sarah, she was given an standing ovation when she performed at the 1st anniversary celebration ng Billboard PH na ginanap sa SM MOA Arena last October 15, 2024 billed as “Mainstage”.
There were about 33 guest artists performers at hindi nagpakabog si Sarah sa mga bagong henerasyon ng mga sikat na pop stars tulad ng SB19, BINI at maraming iba pa.
Kakaibang Sarah ang napanood ng audience kaya hindi nila napigilan ang paghanga sa misis ni Matteo Guidicelli na nauwi sa standing ovation. Tulad ni Gary Valenciano, she was a livewire on stage habang kinakanta niya ang dalawa sa kanyang mga biggest hits, ang “Kilometro” at “Tala”.
Nagta-transform si Sarah into a different persona kapag siya’y nagpi-perform on stage. Hindi lamang siya mahusay kumanta but she’s also a very good dancer. Malayo na talaga ang narating ng grand winner ng isang singing competition on TV nung 2002, ang “Star for a Night” na siyang naging daan ng kanyang paglagda ng talent management contract with Viva Artists Agency, her mother studio until now.
Through the years, nagsi-share na rin si Sarah ng kanyang creative inputs sa tuwing may gagawin siyang bagong song or album, concerts maging sa paggawa ng pelikula.
Samantala, ano na kaya ang nangyari sa supposed to be reunion movie nila ni John Lloyd Cruz? It’s been seven years since they made their last movie together nung 2017, ang “Finally Found Someone”.
Sina Sarah at John Lloyd ay nakagawa ng apat na box office hit movies na kanilang sinimulan nung 2008 sa pamamagitan ng “A Very Special Love” na sinundan ng “You Changed My Life” nung 2009 and “It Takes A Man and A Woman” nung 2013.
It was announced last year na muling magtatambal sina Sarah at John Lloyd under Viva Films pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy.
Kasthryn at Alden emotional ang yakapan, wagas ang halikan
HINDI napigilan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang maging emotional matapos nilang mapanood ang kanilang reunion movie, ang “Hello, Love, Again” sa premiere night ng kanilang pelikula na ginanap sa SM Megamall along with the rest of the cast ng pelikula, mga top executives ng ABS-CBN at GMA including stars from the two giant networks. Matagal na nagyakapan sina Kathryn at Alden gayundin sina Kathryn at Direk Cathy Garcia-Sampana.
Dumating din ang longtime partners na sina Coco Martin at Julia Montes na isa sa mga closest friends ni Kathryn. Nakatrabaho rin ni Julia si Alden sa pelikulang “Five Breakups and A Romance” nung isang taon. Naroon din ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto maging sina Kyline Alcantara and ang cager boyfriend nitong si Kobe Paras at iba pa.
Siguro kung boyfriend pa ni Kathryn si Daniel Padilla, hindi marahil gagawin nito ang kissing scene nila ni Alden sa pelikula.
Samantala, nagpay-off ang sipag ng dalawang lead stars ng HLA sa promo ng pelikula before it was shown dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong pinipilahan sa mga sinehan nationwide na may ongoing international screenings na rin sa ibang basa.
Still on Kathryn and Alden, marami ang naniniwala na meron nang espesyal na unawaan ang dalawa kung pagbabasehan ang mga kilos ng dalawa kapag sila’y mgkasama. Pareho umanong inspired ang dalawa ngayon .
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.