Toyo

Chedeng ni Imee, nabili ni Boss Toyo sa halagang P500,000

June 3, 2023 Vinia Vivar 888 views

Kakaiba ang interes ng bagong talent ng Blvck Entertainment na si Jayson Lazadas o mas kilala sa tawag na Boss Toyo.

Aside from being a popukar social media content creator and influencer, mahilig din siyang bumili at mangolekta ng mga memorabilia ng mga kilalang personalidad sa showbiz.

Ilan sa mga prized possession niya ay ang polo ni Chito Miranda na nabili niya sa halagang P150,000, polo ni Gloc-9 at P80,000-90,000, bato ni Darna na binili niya mula kay Buboy Villar sa halagang P5,000, polo ng yumaong master rapper Francis Magalona at P620,000, at marami pang iba.

Siya rin ang nakabili ng lumang Mercedes Benz ni Sen. Imee Marcos na ginamit sa pelikulang Maid in Malacañang sa halagang P500,000.

“’Yun talaga ang mga trip ko ngayon, eh,” sey niya sa mediacon na ginanap sa Blvck Entertainment Studios last Friday.

Dagdag niya, investment din kasi ang mga ito dahil habang tumatagal ay mas tumataas ang value.

Ang pagiging creative, witty, funny, spontaneous at pagkakaroon ng passion for music ang naka-convince sa Blvck Entertainment heads na sina Engineers Louie and Grace Cristobal na i-sign-up si Boss Toyo as one of their artists.

His latest single, Rap Lord is his first music to be released under Blvck Music and along with it is the music video directed by Edrex Sanchez na available na ngayon sa YouTube at music streaming platforms.

AUTHOR PROFILE