Charo

Charo ayaw magsalita tungkol sa pagkawala ng ‘MMK’

December 4, 2022 Aster Amoyo 192 views

Charo1

AYAW magsalita ng award-winning actress at dating lady boss ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio kung bakit magpapaalam na ngayong December 10 (Saturday) ang kanyang top-rating and longest-running drama anthology, ang “Maalaala Mo Kaya” or MMK na umabot ng 31 years ng pagbibigay inspirasyon sa mga manonood. Pero hindi nito ikanakaila na malungkot din umano siya sa pagpapaalam ng kanyang programa na sinubaybayan ng ating mga kababayan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang dako ng mundo na inaabot ng TFC or The Filipino Channel at iba pang digital streamings.

“Mula sa mga Letter Senders at manonood, lubos na nagpapasalamat ang MMK sa lahat ng mga naging bahagi ng “Maalaala Mo Kaya” sa loob ng 31 taon.

Maraming Salamat sa lahat ng nakaraan at anumang paraan na maari pa tayong muling magkita at magkasama.

Hanggang sa muli mga Kapamilya!” pagbabahagi ni Charo sa kanyang Instagram account.

Ngayong magtatapos na rin ang MMK after 31 long years, malaya na ang actress at dating producer and former President and CEO of ABS-CBN na gumawa ng proyekto with any other TV network or independent producers. Katunayan, may sisimulan siyang bagong movie project na pagsasamahan nila ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes, ang “Love After Love” mula sa panulat at pamamahalaan ni Irene Villamor.

ErikErik1

Erik nagluluksa pa rin

NAGLULUKSA ang `Prince of Pop’, ang singer-actor na si Erik Santos (40) sa paglisan ng kanyang mahal na ina na si Angelita Santos nung November 25, 2022 due to lung cancer. She was 66.

Matapos ang ilang araw na burol sa Arlington Memorial Chapels in Araneta Avenue, Quezon City, ang ina ni Erik ay na-cremate nung nakaraang December 1 at ang kanyang urn ay nasa kanilang bahay muna dahil gusto siyang `makasama’ ng kanyang pamilya this Christmas holidays.

“Mahal na mahal kita, Nanay, mensahe ng singer-actor sa kanyang Instagram account.

She is finally home with Jesus, aniya.

I love you so much, Nanay!

You are so beautiful, Mommy. So beautiful, in another post.

Nanay, I know you are in a better place now. BEST place actually kasi kasama mo na si Papa JESUS. No more pain, no more GGT, no more pig tails, no more catheters, no more tests and scans, wala nang mga nakatusok sa katawan mo, no more chemo, no more blood transfusion, no more oxygen tank, no more bed sores, no more diapers, makakahinga ka na ng mapayapa without any machine, no more cancer, patuloy niya.

Thank you very much for fighting for us until your last breath. You have fought the good fight. Napakatapang mo Nanay.

I know in my heart that you are very happy now with our Lord Jesus Christ.

I know, that you will always be there to guide me, si tatay at mga kapatid ko. You are our guardian angel. What a perfect name it – ANGELITA.

Aktres nanganak na, ready to work again

ISANG kasamahan natin sa panulat ang nagbalita sa inyong lingkod na nakapagsilang na umano ang controversial actress na matagal nang nali-link sa isa ring controversial actor and ready to work again

Ang actress at actor ay walang inamin sa publiko maging sa kanilang naging totoong relasyon.

Ayon sa aming source, outpatient lamang umano ang aktres sa kanyang panganganak nang normal sa isang pagamutan .

Although makailang-beses nang dinenay ng actress at ng mga taong malalapit sa kanya ang kanyang pagbubuntis at panganganak lalabas din naman ang katotohanan in the end dahil hindi naman ito puwedeng itago forever lalupa’t marami ring tao ang nakakaalam sa sitwasyon ng actress.

The mere fact na hindi mamatay-matay ang intriga sa actress na may kinalaman sa kanyang pagbubuntis and eventually sa kanyang panganganak, marami ang naniniwala (including this writer) na totoong nagbuntis at nanganak ang controversial actress.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE