Richard

Chard, pukpukan ang trabaho sa Cebu … mag-iinang Sarah, Zion at Kai, madalas ang dalaw sa aktor

October 23, 2022 Ian F. Fariñas 341 views

FEELING recharged si Richard Gutierrez matapos siyang dalawin ng kanyang mag-iinang sina Sarah Lahbati, Zion at Kai sa location ng Kapamilya action-drama series na The Iron Heart sa Cebu City nitong weekend.

Ipinost pa nga ni Sarah sa kanyang social media accounts ang litrato nila ng dalawang anak na nilagyan niya ng caption na “Sunday brunch.”

Marami tuloy ang nag-akalang throwback ang series of photos dahil nadadalas nga sa Cebu sina Sarah para dalawin si Chard.

Ang unang dalaw nila ay nasundan ng paghahatid nila sa aktor na nagkaroon ng 11-day break sa taping at ang ikatlo nga’y nitong katatapos na weekend.

Biyernes lumipad pa-Cebu sina Sarah. Tamang-tama lang dahil Sabado naman ang rest day ni Chard.

Simple lang ang bonding time ng small family sa hotel dahil ani Sarah, pagod din si Chard sa taping ng The Iron Heart dahil bukod sa marami na’y mahihirap pa ang mga eksena nito.

“We understand naman,” dagdag ng Viva Artists Agency talent, “ang saya lang dahil nakikita niya kami nina Zion and Kai at nakaka-relax daw.”

Ganu’n ka-family man si Chard, sabi naman ng malalapit sa aktor.

Anyway, nakabalik na nga sa Maynila sina Sarah, Zion at Kai at balik-taping na rin si Chard sa The Iron Heart kahapon.

Pukpukan na ang trabaho ng production dahil ayon sa ABS-CBN, sa November 14 na magsisimulang mapanood sa primetime ang nasabing teleserye.

Bukod kay Chard, nasa cast din ng The Iron Heart sina Albert Martinez, Jake Cuenca, Sue Ramirez at Maja Salvador.

AUTHOR PROFILE