lizadino

Chair Liza, ‘Di bet mag-pulitika’

August 26, 2021 Ian F. Fariñas 427 views

HINDI nakikita ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño ang sarili sa pulitika.

Iyan ang sagot niya nang may magtanong kung may nag-alok na ba sa kanyang tumakbo sa 2022 elections.

Sa virtual mediacon kahapon para sa Philippine Film Industry Month 2021 (Ngayon ang Bagong Sinemula) sa Setyembre, inamin ni Chair Liza na may mga nagpu-float ng ideya sa kanya although wala pang final na usapan tungkol sa kung ano ang posisyon na inaalok sa kanya.

Aniya, “I don’t see myself qualified for Senate or Congress.”

If at all, mas bet daw niyang tumulong muli sa isang government agency gaya ng FDCP dahil naniniwala siya na meron siyang misyon at hindi kasama roon ang pagiging isang politiko.

Anyway, maraming naka-line-up na activities ang FDCP para sa selebrasyon ng Bagong Sinemula next month at kasama na roon ang pagsasaayos ng guidelines para sa muli at unti-unting pagbubukas ng mga sinehan sa bansa sa Nobyembre.

AUTHOR PROFILE