Chaifo

Chai, proud kay Dolly

January 14, 2023 Ian F. Fariñas 206 views

HINDI man pinalad na maiuwi ang best supporting actress trophy mula sa katatapos na Golden Globes sa Amerika para sa Triangle of Sadness, proud pa rin kay Dolly de Leon ang kapwa aktres niyang si Chai Fonacier.

Sa press screening ng Filipino-Irish thriller na Nocebo, kung saan isa sa mga bida si Chai, sinabi ng aktres na makiki-party pa rin siya kay Dolly oras na umuwi ito ng ’Pinas.

“Kasi, I mean, you know, it’s… bihira lang… and first! First na… nominated siya, I’m proud of her! She is proof of, you know, the fact na wala, hindi, walang kakulangan ng skill at talent dito sa Pilipinas, wala, as in. Kailangan lang talaga nating suportahan. So I’m looking forward to that House bill para, you know…,” panimula ni Chai, na nakipagsabayan din sa aktingan sa sikat na international actors tulad nina Eva Green at Mark Strong sa Nocebo.

“Parang ie-echo ko ‘yung sinabi niya (Dolly) na parang ang mga award naman ay hindi end all and be all ng mga career ng mga tao. Masaya kung meron, pero ‘yung sinabi niya sa interview na nabasa ko kanina na ‘no, I havent arrived. There is no arriving. there is constant forward motion, constant struggle in furthering your craft. Hindi verbatim. And I agree,” dagdag pa ni Chai.

Produced ng TBA Studios at Epicmedia, umani rin ng papuri si Chai para sa papel niya sa Nocebo bilang si Diana, ang Pinay nanny na gumamit ng traditional folk healing sa maysakit niyang amo na si Christine (Eva).

Dinirek ng Irish Film and Television Awards-winner na si Lorcan Finnegan, mapapanood na ang R-13 na Nocebo sa mga sinehan nationwide simula January 18.

AUTHOR PROFILE