Maid1

Cesar, sobrang excited makatrabaho si Diego

June 26, 2022 Vinia Vivar 243 views

Super excited si Cesar Montano sa pelikulang Maid in Malacañang under Viva Films kung saan ay gagampanan niya ang papel ni former President Ferdinand Marcos.

Bukod sa comeback movie niya ito after a long while ay first time niyang makakasama ang kanyang anak na si Diego Loyzaga na gumaganap naman bilang si President-elect Bongbong Marcos.

“It is a great blessing,” sabi ni Cesar sa online mediacon na ginanap kamakalawa kung saan ay pormal na ipinakilala sa press ang cast ng movie.

“Napakasaya ko, I’m so excited to work with my son. Finally, magkakatrabaho na kaming dalawa,” aniya.

Ang pelikula ay tumatalakay sa last 72 hours sa Malacañang ng Marcos family during the 1986 EDSA People Power Revolution at ayon nga kay Cesar, hindi niya akalain ni sa panaginip na gagawin niya ang mga senaryong naganap that time lalo na nga ang i-portray si Macoy.

Kaya naman laking pasasalamat niya sa Viva Films at sa direktor na si Darryl Yap.

Aniya ay isang malaking karangalan na gampanan ang papel ng ating dating Pangulo.

Hindi raw siya nagkaroon ng oportunidad na makilala si former President Marcos at sayang nga raw na hindi na niya ito matatanong tungkol sa kanyang gagampanang karakter.

Biro pa ni Cesar, “Pwede bang magpakita siya kay Diego, si Diego na lang ang kalabitin niya sa gabi,” sabay-tawa.

Pero sa nababasa raw niya noon pa man, isang bagay na pareho sila ni Macoy ay ang pagmamahal sa agrikultura.

“I have that passion in agriculture, I love farming, I love planting, I believe that agriculture is the key para maiangat ang bansa natin,” he said.

Magsisimula pa lang mag-shooting si Cesar at ang buong cast and production team, pero may playdate na ito ng July 20.

Positibo naman si Direk Darryl na matatapos nila ang pelikula sa takdang oras.

AUTHOR PROFILE