Cesar sa pag-amin ni Atong sa relasyon kay Sunshine: They deserve to be happy
Suportado ni Cesar Montano ang relasyon ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz sa negosyanteng si Atong Ang.
Sa panayam kay Cesar ng BFF niyang kolumnista na si Dolly Ann Carvajal ay nagpahayag ng paghanga ang aktor kay Atong sa pag-amin nito sa relasyon with Shine.
Aniya ay hangad niya ang kaligayahan ng dalawa.
“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine. I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy,” saad ni Buboy.
Aniya pa, “When Shine is happy, that means our three daughters are happy, too. And as a father, my daughters’ happiness is mine as well.”
Matatandaang nagsimula ang tsismis between Shine and Atong nang mag-viral sa social media kamakailan ang kanilang kissing video.
Kasunod nito ay ang pagkumpirma ni Atong ng kanilang relasyon ni Sunshine, ayon na rin sa ulat ng news anchor na si Pinky Webb sa programang “Agenda” noong December 17.
Hirit naman ng isa rin sa anchors ng programa na si Korina Sanchez, “We’re happy for them. We’re happy for people who are happy. Dapat tawagan natin si Atong at Sunshine na manlibre naman ngayong Pasko. Ipagkalat nila ang kanilang kasiyahan.”