Cesar

Cesar, mas na-challenge kay Macoy kesa kay Jose Rizal

July 20, 2022 Vinia Vivar 321 views

Para kay Cesar Montano, ang Maid in Malacañang ang most challenging role sa buhay niya dahil ginagampanan niya ang papel ni former President Ferdinand Marcos Sr.

Mas challenging pa raw ito kesa sa Jose Rizal kung saan ay ginampanan niya ang karakter ng ating national hero.

“Sa Rizal po, I was given seven months to prepare for the role. ’Eto po yata, may seven hrs naman po,” sabi ni Buboy na natatawa.

Pabiro niya pang dagdag, “Sadista ‘yung direktor dito, eh, si Mr. Darryl Yap.”

Pero kahit maikli lang ang preparasyon, siyempre ay pamilyar naman siya sa nangyari noong 1986 dahil nasa college na siya during the EDSA Revolution at napanood daw niya sa TV ang nangyari dahil pro-Marcos ang kanyang yumaong ama at sinubaybayan nila sa telebisyon ang nangyari noon.

Bukod dito, available rin sa Internet ang mga footage and video about the former President.

Nandiyan din parati si Sen. Imee Marcos na sinasagot ang lahat ng kanyang katanungan.

“Binigyan niya (Sen. Imee) po kami ng isang buong araw. Kahit busy siya no’n, talagang pinuntahan niya kami para lang sagutin ang lahat ng tanong namin. She sat down with us,” kwento ni Cesar.

Ilang araw daw niyang pinag-aralan ang karakter ni Macoy at makikita sa trailer na talagang mahusay niyang nagampanan ang role nito.

Showing na sa mga sinehan ang Maid in Malacañang sa August 3.

AUTHOR PROFILE