Antipolo

‘Centenarian’ mula Antipolo, nakatanggap ng P100K

June 29, 2022 People's Tonight 54 views

‘100’ – Iyan ang edad ni Lola Filomena Revil ng Bgy. Mayamot, Antipolo City. Personal na binisita ni Mayor Andrea “Andeng” Ynares si Lola Filomena kung saan ipinaabot niya ang P100,000 para sa “Centenarian Awardee” ng siyudad ng Antipolo.

“Ang mga tulad niyo po ay sinasaluduhan, at hangad namin ang mas mahaba pa niyong buhay,” sabi ni Mayora Ynares.

Pinanganak noong August 22, 1921 sa Guihulngan, Negros Oriental, saksi si Lola Filomina sa iba’t-ibang mga makasaysayang kaganapan sa Pilipinas, tulad ng World War II, EDSA 1, EDSA 2, ang pagtatatag ng Commonwealth of the Philippines, ang kauna-unahang Philippine Republic Day kung saan nakamit ang kasarinlan mula sa America, atbp.

“Muli, congratulations Lola Filomena! Isa po kayong tunay na alamat. Nawa’y bigyan pa po kayo ni Lord ng lakas upang makapiling pa ang inyo pong mga mahal sa buhay,” dagdag ni Mayora Andeng.

AUTHOR PROFILE