Kulong

Cellphone snatcher na-wrong number sa biktima, himas-selda

August 6, 2023 Jonjon Reyes 264 views

HINDI na nakapulas ang isang 23 anyos na miyembro ng Bahala Na Gang nang damputin ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct ng Malate Police Station 9 dahil sa panghahablot ng cellular phone sa isang dalaga sa Malate, Manila noong Biyernes ng gabi.

Nahaharap sa kasong robbery-snatching ang suspek na si Jonard Dela Cruz, ng San Andres St., Barangay 738, Malate.

Desidido maghain ng reklamo ang biktima na si Paula, 29, anyos, sales executive, ng Gagalangin, Tondo.

Base sa report nina Patrolman Herald Bryan Banday at Patrolman Gary Ho kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, Station Commander ng Malate Police Station 9 , bandang 11:45 ng gabi nang hablutin ng suspek ang kanyang mobile phone ns INFINIX HOT 11S NFC na nagkakahalaga ng P8,000.

Nahuli ang suspek dahil sa mga nagpapatrulyang mga pulis sa hindi kalayuan na lugar.

AUTHOR PROFILE