Maja Pat Dy /Instagram

Celebs at fans, pinusuan ang mala-anghel na wedding peg ni Maja

August 1, 2023 Ian F. Fariñas 125 views

Sa Instagram post ng celebrity photographer na si Pat Dy, ipinakita niya ang larawan ng bagong misis na si Maja Salvador na nakasuot ng puting eleganteng wedding gown hawak ang pumpon ng tulips.

Makikita rin ang mala-anghel na mukha ng aktres dahil sa fresh-make up look, na pinuri ng ilang celebrities at mga tagahanga.

Ang pagmamahalang Maja at Rambo Nuñez na nauwi nga sa beachfront wedding sa Bali, Indonesia nitong July 31, ay nagsimula noong 21 pa lamang si Maja.

Nagkahiwalay sila at muling nagbalikan hanggang sa magkatuluyan.

Abril 2022 kinumpirma ni Maja na engaged na sila at inaming magpapakasal Hulyo ngayong taon.

AUTHOR PROFILE