Cebuana beauty wagi sa Bb. Pilipinas, ‘Hipon Girl’ pinakamaraming special awards
GINANAP ang 58th year ng Bb. Pilipinas grand coronation night nung Linggo ng gabi, July 31 sa Big Dome (Araneta Coliseum) hosted by two former beauty pageant title holders na sina Catriona Gray – 2018 Miss Universe at si Nicole Cordoves – 2016 Miss Grand International 1st runner up na parehong produkto ng Bb. Pilipinas.
Si Nicole Borromeo ng Cebu City ang tinanghal na Bb. Pilipinas International at siyang kakatawan sa Pilipinas sa 2022 Miss International sa Tokyo, Japan sa taon ding ito.
Ang tatlo pang Bb. Pilipinas winners na kakatawan sa tatlong minor international pageants ay sina Roberta Angela Tamondong ng San Pablo, Laguna as Bb. Pilipinas Grand International, Gabrielle Basiano ng Eastern Samar as Bb. Pilipinas Intercontinental at si Chelsea Fernandez ng Tacloban City as Bb. Pilipinas Globe.
Ang tatlong winners na sina Nicole Borromeo, Gabrielle Basiana at Chelsea Fernandez ay pawang nagmula sa Eastern Visayas region.
Ang celebrity candidate na si Herlene Nicole Budol ang tinanghal na 1st runner-up at 2nd runner-up naman si Stacey Daniella Gabriel ng Cainta, Rizal.
Bukod sa pagiging 1st runner-up, si Herlene na kilala as Hipon Girl ay siyang nakapag-uwi ng pinakamaraming special awards tulad ng BB. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Jag Jeans, Bb. Silka, Bb. World Balance, Manila Bulletin Readers’ Choice at Miss Blackwater.
Si Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo City ang pinarangalan bilang Bb. Moist Diane Shampoo, Chelsea Fernandez ng Tacloban City as Bb. Ever Bilena, Gabrielle Basiano ng Eastern Samar ang tinanghal na Best in Swimsuit and Best in Evening Gown, si Gabriella Lehman ng Oriental Mindoro as best in National Costume, Ma. Isabel David (Lala Vinzon) ng Mexico, Pampanga as Best in Talent, Face of Binibini ay si Yllana Marie Aduana ng Laguna, Bb. Friendship si Eiffel Janell Rosalita ng Catanduanes at Bb. Philippine Airlines si Roberta Angela Tamondong ng San Pablo, Laguna.
Bago pa man ang grand coronation ng Bb. Pilipinas last Sunday ay pito sa 40 candidates ay nanalo na ng kontrata sa Ever Bilena (isa sa major sponsors) at ang mga ito ay sina Nica Bernardo ng Guiguinto, Bulacan as Miss Hya-Loo, Roberta Angela Tamondong ng San Pablo City as Miss Spotlight, Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo City as Miss Hello Glow, Chelsea FErnandez ng Tacloban City as Miss Ever Bilena, Harlene Nicole Budol ng Angono, Rizal as Miss Blackwater at Diana Mackey of Nueva Ecija at Miss Ever Organics.
Ang Bb. Pilipinas ay nakag-uwi na ng apat na Miss Universe titles sa pamamagitan nina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2018) at Catriona Gray (2018) at limang Miss International titles na binubuo nina Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Lara Precious Guigaman (2005), Bea Santiago (2013) at Kylie Mendoza at eleven titles mula sa ilang minor international pageants tulad ng Miss Tourism International, Miss Globe International, Miss Supranational at Miss Intercontinental.
Mga himala sa buhay ni Ka Tunying at misis na si Rossel
ISA kami sa natutuwa sa celebrity and entrepreneur couple na sina Anthony `Ka Tunying’ Taberna at Rossel Velasco-Taberna dahil sa kabila ng sunud-sunod na `unos’ na dumating sa kanilang buhay ay nanatiling malakas at matatag ang kanilang pananampalaya sa Diyos at kailanman ay hindi sila bumitaw.
It was in December 2019 nang ma-diagnose ang panganay na anak ng mag-asawa na si Zoey na may leukemia, who at that time ay 12 years old pa lamang. Ito ang unang matinding dagok na hinarap ng pamilya na kanilang unti-unting hinarap. The family was in and out of the hospital habang ang mag-asawa ay salitan sa pag-aalaga at pagbabantay kay Zoey habang patuloy pa rin nilang hinaharap ang kanilang respective work and businesses.
Pagsampa ng January 2020, pumutok ang Bulkang Taal at isa sa mga business establishments na tinamaan sa Tagaytay ay ang bagong bukas noon na Ka Tunying’s na napilitang isara pansamantala.
Pagdating ng March 15, 2020 ay nagka-lock down ang Metro Manila at ibang bahagi ng Pilipinas sanhi ng Covid-19 coronavirus na naging sanhi ng pagsasara ng pito sa kanilang sampung branches. As if these were not enough, nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020 na siyang dahilan ng pagkawala ng trabaho ng more than half ng workforce ng dating number one TV and radio network. Kasama si Ka Tunying sa nawalan ng trabaho sa ABS-CBN na pinaglingkuran niya ng mahigit tatlong dekada. Ang mga ito’y sa gitna pa rin ng kanilang pakikipaglaban sa paggaling ng kanilang anak na si Zoey.
Dahil din sa pandemya, pansamantala ring nahinto ang Outbox Media events na pinamumunuan ni Rossel na umabot ng mahigit dalawang taon.
After only a month matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, muling nakahanap ng trabaho bilang broadcaster si Anthony along with his former “Dos por Dos” colleague na si Gerry Baja sa DZRH and in August of 2020 ay nagsimula ang kanilang radio-TV program na “Dos por Dos” sa nasabing istasyon. At sa kanilang ikalawang anibersaryo, simula kahapon, August 1 ay inilipat na sila sa morning primetime, 6 a.m. to 8 a.m. time slot.
Ang hindi makakalimutan ng mag-asawangAnthony at Rossel ay ang outpouring prayers and support hindi lamang ng Iglesia ni Cristo (INC) kung saan sila kabilang kundi ng maraming tao (kilala man nila o hindi), na nagpaabot hindi lang dasal kundi tulong pinansyal na rin. Naging malaking tulong din sa mag-asawa ang kanilang savings at kinikita ni Ka Tunying sa kanyang iba’t ibang social media accounts.
Inamin ni Ka Tunying na muntik na rin umano nilang ibenta ang kanilang bahay para lamang ma-sustain ang pagpapagamot kay Zoey laluna nung sila’ymagtungo ng Singpore for Zoe’y further medical treatment.
Halos kalahating taon ding namalagi ang buong mag-anak sa Singapore. Pansamantalang nagpaalam si Ka Tunyingsa DZRH and he was assured na kahit wala siya ay magpapatuloy ang kanyang pagtanggap ng suweldo na labis niyang ikinatuwa at pinasalamatan. Sa loob ng hospital room ni Zoey in Singapore ay nagpatuloy ang kanilang “Dos por Dos” radio-TV program ni Gerry Baja with him on Zoom.
Bago pa man dumating ang kaarawan ng misis ni Ka Tunying na si Rossel last July 21 ay wish na nito ang tuluyang paggaling ni Zoey at ito’y dininig ng Diyos.
Sobrangnagulat ang mag-asawa kay Zoey na nakinakitaan nila ng tapang at tatag at such a young age.
Ang second daughter ng mag-asawa na si Helga ang naging donor ni Zoey ng bone marrow.
When Zoey was finally declared cancer-free by her doctors in Singapore, doon lamang halos nakahinganangmaluwag ang mag-asawa. It was totally a miracle.
At sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas, hindi lamang nila lubos-lubos na pinasalamatan ang Ama dahil hindi lamang binigyan ng panibagong buhay si Zoey, kundi unti-unti ring bumangon ang kanilang mga negosyo.
Pito sa kanilang Ka Tunying branches ay bukas na muli at nagdadag pa sila ng Ka Tunying catering business. Operational na rin ang Outbox Media sa mga events at patuloy ang paglago ng social media accounts ni Ka Tunying sa Facebook, YouTube at maging sa TikTok.
Last Sunday, July 31 ay nag-host ng thanksgiving party ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel at belated birthday dinner na rin ng misis ni Ka Tunying na ginanap sa Elements Events Place ng Centris in Quezon City at doon na rin ipinaalam ang iba’t ibang negosyo ng Taberna Group of Companies ng couple.