Default Thumbnail

Cebu binira Leni ‘hakot’ modus

April 22, 2022 Lee Ann P. Ducusin 667 views

BINATIKOS ng mga Cebuano ang ginawang rally ng tambalan nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan dahil umano sa ginawa nilang pagkakalat ng masasamang salita, pagkamuhi sa kapwa at pag-iiwan ng literal na tambak-tambak na basura sa lalawigan nitong Huwebes.

Ang sabi ng mga galit na mga Cebuano ay nadadamay ang buong lalawigan sa ginawang paninira, pagkakalat at kasinungalingan diumano ng kampo ni Leni.

Una nang ikinagalit ng mga Cebuano ang pamimilit daw ng kampo ni Robredo na dumalo sa kanilang programa sa Mandaue City.

Pati mga mag-aaral ay walang nagawa kundi dumalo sa rally dahil inuutos umano ito ng kanilang paaralan.

Ayon kay Julius Cabahug, mag-aaral sa isa sa paaralan ng Cebu, bukod sa pamimilit sa kanila ay idinadamay pa sila sa kasinungalingang ginagawa diumano ng kampo ni Robredo.

“Pinilit na nga kami eh kapalit ng grades, ngayon nadadamay pa ang buong Cebu sa kasinungalingan nila. Tingin tuloy sa amin mga sinungaling na din. Kung hindi lang dahil sa grades di naman kami pupunta sa programa nila,” sabi ni Julius sa wikang Bisaya.

Sinabi din nila na hindi aabot sa 250,000 ang mga taong pumunta sa rally.

Una nang sinabi nang Mandaue City Philippine National Police na nasa 150,000 lang ang bilang ng tao taliwas sa sinasabi ng organizer.

“Malabo ‘yung sinasabi nilang 250,000, hindi naman puno ‘yung lugar, daming bakante. Sa totoo lang naman kasi talaga eh ayaw naming pumunta. Pumunta lang kami dun para sa attendance, bukod dun may mga artista din, daming artista, ‘yun lang pinunta namin,” ayon kay Melanie Coma.

“Wala din kaming ibang narinig purong paninira sa ibang kandidato, puro pagbubuhat ng bangko. Mas marami pa yung paninira kaysa sa platapormang sinasabi nila,” dagdag ni Melanie.

Maging ang mga magulang ng mga bata ay hindi rin ikinatuwa ang ginawa ng tambalang Leni-Kiko. Ani nila huwag idamay ang kanilang mga anak sa pulitika na karamihan ay menor de edad at hindi dapat pinangsasangga ang grades para lang mapilitan silang pumunta.

“Grabe ‘yung ginagawa nila, hindi na tama eh, sapilitan dahil walang mgagawa ‘yung mga anak namin kundi pumunta. Sabi sa kanila maaapektuhan yung grades nila, baka daw di sila makagraduate. Huwag naman sanang gawin pagsangga o pananakot ang grades sa kanila, eh mga menor de edad pa karamihan sa kanila eh,” sabi ni Nanay Lolita sa salitang Bisaya.

Binatikos din diumano ng grupo ng mga Alpa Khappa Rho (AKRHO) Cebu chapter ang rally nina Leni-Kiko habang naglilinis sa lugar ng pinagdausan ng rally ng kampo ng pangalawang pangulo dahil tumpok-tumpok ang dumi na iniwan ng mga tao.

“Puro pangako, basura mga pangako niyo, Leni at Kiko basura kayo, sobrang kalat dito, puro ka pangako Leni, ikaw din Kiko iyak ka ng iyak, parehas lang kayo ni Sharon,” sabi ni Iso Joko Calamba.

“Realtalk sa mga kakampink, galing niyo, kaya kami na lang maglilinis ng kalat niyo, ng basura niyo. Cebu Leni rally super kalat, daming basura, wag na kayo bumalik dito sa Cebu,” dagdag pa niya.

Marami sa mga taga-Cebu din ang nakasaksi ng mga basurang iniwan ng mga kakampinks. Agad na nag-viral sa social media ang mga video na kuha nila kung saan makikita na hinayaang nakatiwangwang ang mga basura sa kalsada at sa pinagdausang lugar.

AUTHOR PROFILE