Cayetano

CAYETANO: PH MAGIGING GLOBAL SPORTS HUB

February 24, 2025 People's Tonight 175 views

Kumpiyansa si Senador Pia Cayetano na kayang maging global sports hub ng Pilipinas, lalo na ngayong matagumpay na naidaos ang Asia Pacific Padel Tour (APPT) Manila 2025. Sa isang panayam nitong February 23, binigyang diin ni Cayetano, na siyang founder ng Padel Pilipinas, ang kahalagahan ng pagho-host ng international tournaments, lalo na para sa lumalaking sports tulad ng padel. Ayon sa senadora, kailangan din ng isang buong sistema, mula sa grassroots programs, accessible na pasilidad, hanggang sa tamang role models na gagabay sa mga atleta.“We want to continue being the destination for padel players, padel coaches, and padel enthusiasts,” dagdag niya..

AUTHOR PROFILE