Cavitex Ang nakumpletong bahagi ng Manila-Cavite Expressway na nagkakahalaga ng P78 million. Photo courtesy of CALAX

Cavitex heavy maintenance project kumpleto na — CIC

May 31, 2021 Jun I. Legaspi 162 views

NAKUMPLETO na ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), ang concessionaire ng Manila-Cavite Expressway (Cavitex), kasama ang Joint Venture (JV) partner nito, ang Philippine Reclamation Authority (PRA), ang P78 million heavy maintenance project nito para sa ilang bahagi ng expressway.

Kabilang sa heavy maintenance project nito na sinimulan nitong nakaraang Pebrero, ang pagrehabilitate at pagsasaayos ng mga road surfaces distresses tulad ng mga pavement fractures, distortions at disintegration sa bahagi ng Longos, Bacoor Entry at Exit tungong Cavitex at 1-km portion ng mainline carriage ng Wawa Bridge tungong Zapote Interchange (Cavite at Manila-Bound).

“Ngayong tapos na ang heavy maintenance project na isinagawa dito sa CAVITEX, ang ating carriageways ay may mas maayos at ligtas na kalidad na nakatutulong para lalong mapaganda ang overall driving experience ng ating mga motorista. May kahirapan man ang sitwasyon dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang ginagawa ang aming pag-invest sa mga proyekto para sa paniniguro ng kaginhawaan at kaligtasan ng mga gumagamit ng aming toll road network” ani CIC President at General Manager, Roberto V. Bontia.

Dagdag pa ni PRA General Manager at CEO, Atty. Janilo Rubiato “Ang PRA at CIC ay fully committed as pagbibigay ng ligtas at mataas na kalidad ng expressway para sa aming mga motorista. Sinisiguro namin na natutumbasan ng ibinabayad nila ng mataas at maayos na kalidad ng expressway pagdating sa safety, road quality at convenience. Kaya naman talagang hindi kami nagdalawang-isip sa pag-implement ng heavy maintenance project, at base sa ating nakikita at nararanasan ngayon sa toll road, we consider it money well spent”.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nakumpleto ng CIC at PRA ang road enhancement project naman nito para sa Segment 1 (R1 Expressway) kung saan nagsagawa ito ng road widening upang magkaroon ng karagdagang lane sa mga tulay ng Paranaque, Wawa, at Las Pinas. Mula sa dating tatlong lanes, ito ay mayroon ng apat na lanes.

Ang CIC and PRA ay isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). Ang Cavitex ay kabilang sa road network na patuloy na binubuo ng MPTC at ito ay ikokonekta sa 7.7-kilometer C5 Link Expressway at 45-kilometer na Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Ang PRA sa pamamagitan ng subsidiary nito na PEA Tollways Corp. (PEATC) ang nangangasiwa sa operations at maintenance ng R-1 Expressway at R1 Expressway Extension na bumubuo sa CAVITEX.

Bukod sa Cavitex, C5 Link Expressway, at CALAX, hawak rin ng MPTC rin ang pamamalakad sa North-Luzon Expressway (NLEX), Subic-CLark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

AUTHOR PROFILE