Catriona Gray

Catriona wala sa birthday celebration ni Sam

May 24, 2021 Aster Amoyo 158 views

HINDI nakasama ng singer-actor na si Sam Milby ang kanyang girlfriend, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray na mag-celebrate ng kanyang 37th birthday last Sunday, May 23 dahil kasalukuyan itong nasa Australia to visit her parents. Pero hindi naman nakalimot ang dating beauty queen-singer-host na magdala ng kanyang sweet birthday message para sa kanyang nobyo.

“Happy Birthday my love @samuelmilby! So sad I can’t be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I’m so thankful I get to do life with you. ILYSM,” post ng pagbati ni Catriona sa kanyang Instagram account.

First time ding nag-post si Catriona ng picture na magkasama sila ni Sam.

Geneva wagi sa YFSF 12th week

Geneva CruzSA ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar,” ang singing and impersonation contest participated in by celebrities, ang singer-actress na si Geneva Cruz ang tinanghal na winner sa 12th and final week last Sunday, May 23 winning for her P50,000 plus a trophy. May dalawang linggo ring hindi nakapag-participate si Geneva sa nasabing programa nang sumakabilang-buhay ang kanyang inang si Marilyn Cruz dahil sa Covid-19 coronavirus. She also lost an aunt for the same cause at sampung araw lamang ang pagitan sa kanyang ina.

Although parating nasa tail-end si Geneva the previous weeks, bumawi siya nang kanyang gayahin ang American actress, singer and dancer na si Liza Minnelli singing and performing “New York, New York”. She impressed the judges na binubuo nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Ogie Alcasid maging ang kanyang kapwa contestants with her performance.

In fairness, lahat silang pitong contestants na binubuo ng iDolls, Christian Bables, Vivoree Esclito, CJ Navato, Lee Reposposa at Klarisse de Guzman ay pare-parehong nag level-up on the 12th week. Ang ika-walong participant na si Jhong Hilario ay nag-quit sa kalagitnaan ng programa dahil sa takot nitong makapagdala ng virus sa kanyang pamilya lalupa’t meron siyang months old baby. Bago nag-quit si Jhong ay dalawang beses siyang naging weekly winner at pinanghinayangan ang kanyang pag-alis sa programa dahil isa siya sa strong contenders for the grand finals.

Lahat ng pitong natirang participants ay pasok sa grand finals sa darating na May 29 & 30 with the grand winner to be announced on Sunday, May 30. Ang bawat isa sa kanila ay pipili ng sarili nilang music icon na gagayahin at song na kakantahin at isa sa kanila ang tatanghalin na grand winner na makakapag-uwi ng P1-M cash prize at isang brand new house and lot.

Ang “Your Face Sounds Familiar” season 3 is hosted by Luis Manzano while the first two seasons were hosted by Billy Crawford who have since moved to TV5.

Samantala, Geneva dedicated her win last Sunday sa kanyang yumaong ina na si Marilyn Cruz.

Laura at Von tahimik ang kasalan

Von PessumalNAGPAKASAL na ang 2017 Miss World Philippines-turned actress-host na si Laura Lehmann (26) sa kanyang fiancée, ang Filipino-Indian professional basketball player na si Von Pessumal sa isang simple and intimate wedding kamakailan lamang. The couple got engaged in May 2020 after being in a relationship for five years.

“Quietly got married earlier this year. And now, I want to spend the rest of my life making you as happy as you make me. I love you so much @von19. This was the best day of my life & I will elope with you any time, any…” tweet ni Laura sa kanyang Twitter account which she also posted sa kanyang Instagram account.

The former beauty queen of German, Swiss, Spanish and Filipino descent was single handedly raised by her Filipina mother.

Sumali siya sa Bb. Pilipinas in 2014 kung saan siya nanalong 1st runner-up at muli siyang sumali sa Miss World Philippine in 2017 kung saan niya nasungkit ang korona. On the same year, she represented the country sa Miss World competition na ginanap sa Sanya, China at siya’y pumasok sa Top 40. Siya rin ang tumanggap ng special award ng “Beauty with a Purpose”.

Ang former beauty queen ay dati ring courtside reporter ng UAAP Season 77 & 78. Pagkatapos ng kanyang reign as Miss World Philippines ay lumagda siya ng kontrata with GMA.

Si Laura ay nakagawa na rin ng dalawang pelikula, ang “Elise” at “The Annulment”.

Janus freelancer na

 Janus del PradoFREELANCER na ngayon ang 36-year-old actor na si Janus del Prado (Janus Renato Robles Mateo III), anak ng yumaong character actor na si Renato del Prado at dating character actress na si Amelia Robles, matapos ang pagiging bahagi ng Star Magic ng ABS-CBN sa loob ng dalawang dekada. Si Janus ay nakababatang half-brother ng entertainment writer-reporter na si Pilar Mateo.

Kasabay ng pagiging freelancer actor ay ang kanyang pagbabawas ng timbang mula sa 210 lbs. to 150 lbs. sa loob lamang ng tatlong buwan (February to May).

Limang taon pa lamang si Janus nang magsimula siya bilang child actor.

Si Janus ay mapapanood sa upcoming youth-oriented TV series na “He’s Into Her” ng ABS-CBN na pinangungunahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan at mga bagong batch talents ng Star Magic.

Diego at Cesar hindi pa rin in good terms?

MUKHANG hindi pa rin in good terms hanggang ngayon ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga dahil hindi man lamang nabanggit ng young actor sa mga taong kanyang pinasalamatan on his 26th birthday last May 21 ang kanyang ama. Ang gap ng mag-ama ay nagsimula nang mag-post si Diego ng series of rants against his father on social media in February 2017. Magmula noon ay never pang muli nagtagpo ang kanilang landas.

Si Diego ay anak ng actress na si Teresa Loyzaga kay Cesar.

Although masaya ngayon ang puso ni Diego dahil sa kasintahang si Barbie Imperial, tila hindi pa rin kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil hindi pa ayos ang kanyang problema sa pagitan nila ng kanyang ama.

Nananatiling malapit si Diego sa ex-wife ng kanyang ama na si Sunshine Cruz maging sa kanyang tatlong younger half-siblings na sina Angelina, Samantha at Francesca.

Si Diego ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva kung saan sunud-sunod ang kanyang mga proyekto at kasama na rito ang TV series na “Encounter” with Cristine Reyes at sa pelikulang “Death of A Girlfriend” with AJ Raval now streaming on Vivamax.

Subscribe, share, like and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE