Catriona

Catriona to host Miss Universe 2022?

December 14, 2022 Joey Aquino 511 views

USAP-USAPAN ngayon na si Miss Universe 2018 Catriona Gray daw ang maghu-host sa Miss Universe Coronation Night na gaganapin sa New Orleans, Louisiana.

Ito ang trending topic sa social media ng iba’t-ibang pageant aficionados at watchers. Siya raw ang kapalit ni Steve Harvey at personal hand pick ng bagong may-ari ng Miss Universe Organization (MUO) na si Anne Jakrajutatip. Isa raw ito sa mga pagbabagong ipatutupad ng bagong management ng MUO. Bukod dito, welcome na rin ang mga married na gustong maging Miss Universe sa susunod na taon.

Matatandaan na sa Thailand idinaos ang pageant nang masungkit ni Cat ang korona. Kaya naging markado ang pangalan niya sa mga Thai. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit siya ang napili ni Jakrajutatip na isa ring Thai.

Cat is one of the most popular winners of the pageant. Kaya malaki ang hatak niya sa mga pageant aficionado. And as Miss U host, she fits the bill. Pero hanggang ngayon, wala pa ring confirmation mula mismo kay Cat o sa MUO hinggil dito.

Nag-iingay lang ba ang kampo ni Cat para mapansin at kunin siya ng MUO para maging host ng pageant ngayong January 14? Just asking…

Balik-ASAP ni Sarah G, walang bago?

FINALLY, Sarah Geronimo resumes her stint on ASAP.

Opisyal nang nakabalik sa studio ng nasabing programa nitong Sunday, December 11. Grand welcome daw ito para sa actress-singer. Pero wala naman bago dahil kinanta lang niya sa studio yung latest single niya na Dati-Dati. At hindi pa live ang nasabing episode kaya kulang din sa energy at excitement.

Matatandaan na una nang ipinalabas ang music video nito. We were expecting more on her comeback. Yung tipong grand production number at hindi yung live performance sa studio ng kanyang music video. It was just a mere promo of her single. Oo may banter siya with her co-hosts pero wala ring bagong pasabog. Pati ang pagbabalik niya sa ASAP, parang pasulpot-sulpot din.

Nang tanungin siya kung ano ang Christmas wish niya, alam na raw ng Diyos ‘yun. Obvious na ang wish niya ay magka-baby na.

Tuluyan na bang magli-leave sa showbiz si Sarah ‘pag nabuntis na siya? Just asking…

AUTHOR PROFILE