Catriona

Catriona may wax figure na sa Madam Tussauds Singapore

March 31, 2022 Aster Amoyo 246 views

DUMALO ang 2018 Miss Universe, ang Filipina-Australian na si Catriona Gray sa unveiling ng kanyang sariling wax figure at the Madame Tussauds Museum in Singapore last Wednesday, March 30.

Suot ng 2018 Miss Universe wax figure ang replica ng iconic Mayon Volcano’s lava-inspired gown na gawa ni Mak Tumang with matching Miss Philippines sash.

Ang nobya ng Film-Am singer-actor na si Sam Milby ay pangatlong Filipino celebrity na nabigyan ng wax figure sa Madame Tussauds Museum sa magkaibang bansa. Nauna na rito ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang Filipino boxing hero na si Manny Pacquiao.

Samantala, kung pinasok ni Pia ang acting, sa singing naman nagpu-focus ngayon ang 28-year-old na si si Catriona.

JoshuaJoshua1Joshua may bagong girlfriend na

AFTER his break-up with ex-girlfriend Julia Barretto sometime in April 2019, mukhang may bagong pag-ibig na ang 24-year-old Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos mag-circulate sa social media ang sweet photos nila ng Ateneo Women’s Basketball Team player na si Trina Guytingco who is also 24 years old.

TrinaBukod sa basketball at iba pang sports, si Trina ay mahilig din sa musika. She can sing and plays the piano and guitar.

Kahit non-showbiz si Trina, marami siyang showbiz friends dahil sa kanyang best friend na si Kathryn Bernardo na longtime girlfriend ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla.

Joshua3Sa recent birthday celebration ni Kathryn (her 26th) na ginanap sa El Nido, Palawan, naroon ang rumored sweethearts na sina Joshua at Trina along with other friends tulad nina Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Alora Sassam, Kyle Echarri at iba pa.

Although they have yet to confirm their relationship, maraming fans ang natutuwa for Joshua and Trina at trending na naman sa Twitter ang kanilang photos together.

Ngayong may rumored girlfriend na si Joshua, mukhang hindi na mali-link kanya ang dalawa niyang kapareha sa magkaibang TV series, sina Charlie Dizon in “Viral Scandal” at si Jane de Leon sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series”.

Halos tatlong taon ding naging loveless ang young actor matapos nilang maghiwalay ng young actress na si Julia Barretto.

May suspetsa ang marami na nagkalapit sina Joshua at Trina sa mga common gatherings ng magkasintahang Kathryn at Daniel kung saan isa sa mga close friends ng dalawa si Joshua.

Samantala, mapapahinga na rin siguro ang issue linking Joshua sa younger sister ni Arjo Atayde na si Ria Atayde. Tulad ng sinabi nina Joshua at Ria, close friends lang talaga sila along with their other common friends at kasama na rito sina Enchong Dee, Darren Espanto, Kyle Echarri at iba pa.

Enrique sa Palawan din nag-birthday

TULAD ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo, sa El Nido, Palawan din nag-celebrate ng kanyang 30th birthday ang actor na si Enrique Gil with girlfriend na si Liza Soberano (24) last March 30.

Samantala, umaasa naman ang fans nina Liza at Enrique na muling gagawa ang dalawa ng bagong serye sa Kapamilya channel. Ang dalawa ay huling napanood saTV series na “Make It with You” na nahinto ang airing dahil sa pandemya at pagkakawala ng prangkisa ng ABSCBN nung May 5, 2020.

Ang relasyon nina Liza at Enrique ay mahigit pitong taon na rin. They celebrated their 7th anniversary bilang magkasintahan nung nakaraang October 2021.

DimplesMagiging anak ni Dimples may mga ninong at ninang na

ALTHOUGH hindi pa ibinabahagi ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang magiging pangalan ng kanyang third child with non-showbiz husband na si Boyet Ahmee, may line-up na siyang mga tatayong godparents ng kanyang baby na nakatakdang isilang sa buwan ng Hulyo.

Ilan sa mga ito ay ang Star for All Seasons at politician na si Rep. Vilma Santos-Recto, sina Francine Diaz at Andrea Brillantes (na siyang gumanap na mga anak niya sa teleseryeng “Huwag Mangamba”), si Charlie Dizon (na siyang gumananap niyang anak sa “Viral Scandal”), Belle Mariano, Rayver Cruz at iba pa.

It was only recently nang magkaroon ng gender reveal at boy ang magiging 3rd baby ng actress, entrepreneur, celebrity endorser at vlogger.

AngelicaAngelica nahuli ang announcement

LAST February 2022 pa alam ni Angelica Panganiban and her non-showbiz partner na si Gregg Homan, their respective families and friends na nagdadalang-tao ang aktres pero nitong March 20 lamang niya ibinahagi sa kanyang Instagram ang magandang balita.

Since pahinga muna si Angelica sa kanyang trabaho bilang aktres, malamang na mag-stay ito ng Subic, Zambales kung saan naroon ang business ng kanyang partner na si Gregg.

Bago ang kanyang present partner, si Angelica ay nagkaroon ng relasyon sa tatlong mga kilalang actors na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Watch out for my back-to-back exclusive interview with veteran actress Boots Anson-Roa and present couple Jomari Yllana and Abby Viduya on “TicTALK with Aster Amoyo” today, Friday at 12 noon.

AUTHOR PROFILE