Winnie Castelo

Castelo leading pa rin sa QC vice mayoral survey

April 26, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 79 views

NAMINTINA ni Quezon City vice mayoral candidate at 2nd District Councilor Winnie Castelo ang malaking kalamangan sa sumusegundang si incumbent Gian Sotto base sa resulta ng pinakabagong survey kaugnay sa ibobotong mga kandidato.

Base sa survey ng Issues and Advocacy Center nitong nakalipas na Abril 4 hanggang 15, 51% ng respondents ang boboto kay Castelo habang 34% naman si Sotto.

Umaabot sa 17-porsiyento ang kalamangan ni Castelo kay Sotto – parehong laki ng bentahe ng kanyang teammate na si mayoral candidate Mike Defensor laban kay Mayor Joy Belmonte.

Sa kaso ni Defensor, umangat ito ng dalawang porsiyento o mula 52% noong Marso patungong 54% ngayong Abril habang hindi naman gumalaw ang numero ni Belmonte na 37%.

Sa congressional race, nangunguna ang asawa ni Castelo na si 2nd District reelectionist Rep. Precious Hipolito Castelo na nakakuha ng 56% kumpara sa malapit na katunggaling si Ralph Wendel Tulfo Jr. na mayroong 30%.

Nangunguna rin sa kanilang mga kalaban ang iba pang mga kaniddato na kasama ng grupo nina Defensor at Castelo.

Nagpasalamat sina Defensor at Castelo sa mga residente ng lungsod sa ibinigay na tiwala sa kanila.

Tiniyak nina Defensor at Castelo sa mga taga-Quezon City na isusulong ng kanilang liderato ang matapat, malinis, transparent, tumutugon, at aktibong pamunuan sakaling manalo sila sa halalan.

Sa 1st congressional district, nangunguna si reelectionist Rep. Onyx Crilosogo na mayroong 53% laban kay Juan Carlos Atayde na mayroong 32%.

Malaki rin ang nakuhang 55% ni reelectionist Rep. Allan Benedict Reyes sa 3rd district kumpara sa 31% ni Franz Pumaren.

Sa 4th district, nakakuha rin si Marvin Rillo ng Defensor-Castelo ticket ng 48% kumpara sa 41% ni reelectionist Rep. Jesus Suntay.

Sa ika-anim na distrito, lamang rin si dating Rep. Bingbong Crisologo na nakakuha ng 53% kumpara sa 36% ni Marvic Co-Pilar.

AUTHOR PROFILE