Cast and crew ng ABS-CBN-GMA collab project nasa Switzerland na

February 9, 2023 Aster Amoyo 503 views

JoshuaRichard

NAKAALIS na last Wednesday, February 8 ang production staff at cast na kinabibilangan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia kasama ang mga director na sina Emmanuel Palo at Dolly Dulu patungong Zurich, Switzerland kung saan sila nakatakdang mag-shoot sa loob ng isang buwan para sa proyektong “Unbreak My Heart,” ang kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN, GMA at ang international streaming platform na Viu. Ang nasabing original series na pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal ay magsisilbing reunion project nina Jodi at Richard at first team-up naman nina Joshua at Gabbi na first time ding makakatrabaho ng Kapamilya actress.

Ang team-up nina Jodi at Richard ay nag-hit nang gawin nila ng light-drama family series na “Be Careful with My Heart” mula 2012 hanggang 2014 na sinundan ng kanilang first movie together in 2016, ang “The Acky Breaky Hearts” and another series in 2018, ang “Sana Dalawa ang Puso”.

Hindi magiging madali ang shoot in Switzerland ng grupo dahil winter doon at lalabanan nila ang sobrang lamig sa naturang bansa.

Bukod sa major cast na sina Jodi, Joshua, Richard at Gabbi, makakasama rin sa “Unbreak My Heart” sina Laurice Guillen, Eula Valdez, Nikki Valdez, Brandon Vera, Maey Bautista, Will Ashley at iba pa.

Samantala, si Jodi ay isa sa maituturing na most loyal Kapamilya being with ABS-CBN’s Star Magic since 1998 up to the present.

Richard started his acting career in 2011 with the Kapamilya Network in 2011 at first TV project niya ang “My Binondo Girl” na unang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. But Richard moved to GMA sa kasagsagan ng pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung 2020.

Si Joshua ay dating housemate ng Pinoy Big Brother: All In in 2014 and started his acting career sa Kapamilya Network in 2015 at isa rin sa homegrown talents ng ABS-CBN habang si Gabbi ay nagsimula rin sa ABS-CBN at bilang commercial model bago siya naging build-up star ng Kapuso Network.

David tanggap ng fans kahit sinong ipareha

DavidShairaDavid1David2

NAKATUTUWA na aktibong muli ang OctoArts Films International ni Boss Orly Ilacad sa pagpu-produce ng pelikula ngayong bukas na ang mga sinehan.

Bukod sa pagpu-produce ng movies, OctoArts will also revive producing live concerts featuring popular international singers and performers tulad ng kanilang ginawa in the `80s. It was OctoArts which produced the hit live concerts in Manila nina Stevie Wonder, Fra Lippo Lippi, the late Laura Branigan, Cindy Lauper, the teen group Menudo (several times) at iba pa.

Hindi pa man naipapalabas ang hit primetime TV series ng GMA, ang “Maria Clara at Ibarra” kung saan nag-hit ang tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco ay naisip na ni Boss Orly na pagtambalin sa pelikula sina David Licauco at Shaira Diaz sa romantic movie na “Without You” na pinamahalaan ng writer-director na si RC de los Reyes. They started shooting the movie in 2022 and just waited for the right playdate.

Since love story ang tema ng pelikulang “Without You,” naisipan ng OctoArtsFilms na ito’y ipalabas on the love month, buwan ng Pebrero kaya showing na ang pelikula on February 15, isang araw after Valentine’s Day.

At the presscon of the movie, inamin pareho nina David at Shaira na may kakaiba umano silang chemistry on screen kahit wala silang romantic involvement in real life.

David (27) is currently single and loveless habang very much in a relationship naman si Shaira sa kanyang kapwa Kapuso na si Edgar Allan Guzman.

Although matagal-tagal na rin sa bakuran ng GMA si David (since 2014), it is only now na unti-unti na itongnakikilala as one of the network’s most important talents.

Hindi ikinakaila ng young actor na malaki ang naitulong ng kanyang pagsali sa “Mr. & Ms. Chinatown” in 2014 where he won 1st runner-up. Ito umano ang nagging pasaporte niya sa kanyang pagpasok sa showbiz on the same year and was considered a `Breakthrough Artist’ nung isang taon nang pumutok ang tambalan nila ni Barbie sa “Maria Clara and Ibarra” series.

Walang alinlangan na si David (of Chinese descent) ang next important star sa bakuran ng GMA.

Although ipapalabas pa lamang sa February 15, ang “Without You” movie nila ni Shaira under OctoArts Films, may kasunod na umanong film project ang Kapuso actor (also under OctoArts) na pagtatambalan naman nila ni Barbie at kukunan pa saibang bansa.

Natutuwa rin si David na tanggap umano ng fans kahit sino ang ipareha sa kanya.

Kung si Shaira ay may EA Guzman, si Barbie naman ay matagal nang nobyo, ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Marjorie tutol na pumasok sa showbiz ang anak na lalaki

MarjorieMarjorie1Marjorie2

KUNG si Marjorie Barretto lamang ang masusunod, ayaw niyang mag-showbiz ang kanyang kaisa-isang anak na lalake (sa kanyang ex-husband, ang actor-comedian na si Dennis Padilla) na si Leon Barretto.

Pang-matinee idol ang kaguwapuhan ni Leon at walang problema kung nanaisin nitong sundan ang kanyang celebrity parents at mga kapatid na sina Julia at Claudia Barretto. Pero mas gusto ni Marjorie maging ng mga kapatid ni Leon na siya’y mag-focus na lamang sa pag-aaral para maging doctor baling araw.

Samantala, si Marjorie ay may isa nang apo sa kanyang panganay na anak (sa actor na si Kier Legaspi) na si Dani at husband nitong si Xavi Panlilio. Ang dalawa pa niyang mga anak na dalaga na sina Julia at Claudia ay pareho nang may nobyo habang ang kanyang bunso (sa isang politician) na si Erich ay bata pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE