Posas

Carnapping suspek huli sa San Jose City

July 25, 2023 Steve A. Gosuico 217 views

SAN JOSE City — Isang suspek sa carnapping sa Isabela ang nahulog sa kamay ng pulisya sa San Jose City, Nueva Ecija sa isinagawang manhunt operation noong Lunes.

Kinilala ni Lt. Col. Ariel V. Enriquez, hepe ng pulisya ng naturang bayan, ang naarestong suspek na isang 33-anyos na lalaki, binata, ng Zone 7, Bgy. Caanawan, sa lungsod na ito.

Natunton nina Major Aniceto L. Caraang Jr. ang suspek at inaresto ito sa kanyang hideout alas-11:40 ng umaga noong Lunes.

Sinabi ni Enriquez na naaresto ang suspek sa tulong ng isang confidential informant sa ilalim ng Interactive Engagement Policing (IEP) program na inilunsad ng Police Regional Office 3 sa pangunguna ni Brig. Gen. Jose S. Hidaldo Jr. sa rehiyon.

AUTHOR PROFILE