Posas1

Carnap di wagi kasi mga testigo ‘tumili’

August 19, 2023 Edd Reyes 322 views

TIMBOG ang isang 25-anyos na salesboy matapos mabigong ma-carnap ang itim na Nissan Urvan Sabado ng madaling araw sa Paranaque City nang magsisigaw ang mga tao doon.

Nabuksan na ng suspek na si Jomar Codiamat ang sasakyan ng isang 54-anyos na si alyas “Ramil,” ng Welcome Village, Brgy. San Antonio pasado alas-3 ng madaling araw.

Pero naunsyami ang umano’y Oplan nakaw ng salesboy nang biglang magsisigaw ang mga kasamahan ni Ramil.

Dito na nabulahaw ang mahimbing na pagtulog ni Ramil at agad na lumabas ng kanyang kwarto at sabay takas naman ang suspek.

Humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay San Antonio ang negosyante na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.

Matapos maaresto, dinala ng mga opisyal ng barangay sa Paranaque Police Station si Codiamat para imbestigahan at masampahan ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE