Carlos

Carlos Yulo di binigo ang Pinas sa gitna ng pagsubok

August 4, 2024 PS Jun M. Sarmiento 152 views

IPINAGBUNYI ng mga senador ang pagkakasungkit ng gintong medalya ni Carlos Yulo’s sa artistic gymnastics sa Paris 2024 Olympics noong Linggo.

Ayon kay Sen. Nancy Binay, isang karangalan si Yulo ng ating bansa dahil sa ipinakita nitong dedikasyon at husay sa gymnastics.

Nanalo ng gold medal si Yulo matapos makuha ang score na 15.000 sa men’s floor exercise.

Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nagkamit ng ganitong karangalan kasunod ni Hidilyn Diaz sa nakaraang 2021 Tokyo Olympics.

“Pagpupugay sa unang gymnast gold medalist ng bansa, Carlos Yulo! Isang bansa ang nakiiyak, nakihiyaw at nakipalakpak sa makasaysayang araw ni Caloy sa Paris Olympics,” ani Binay.

Sa kabila ng mga pagsubok na inabot ni Yulo, ayon kay Binay, hindi niya binigo ang bansa sa gitna ng laban.

“You are a shining example, Caloy, of how we can strive to achieve balance in our lives despite the pursuit of glory–na hindi kailangan isakripisyo ang pamilya at kaligayahan,” dagdag ni Binay.

Sinabi naman ni Sen.Juan Miguel Zubiri na punong-puno siya ng pasasalamat at pagmamalaki kay Yulo dahil sa karangalan nitong inakyat sa bansa.

“Kasama mo ang buong Pilipinas sa pag-celebrate ng historic Olympic gold na ito! Thank you for showing the world the heart of a Filipino champion! We are so proud of you!” ani Zubiri.

Para naman kay Sen. Robinhood Padilla, dapat ipagbunyi ng buong bansa ang ginawang ito ni Yulo.