Carlos multi-millionaire na, cash incentives nadadagdagan pa
ISA nang multi-millionaire ngayon ang two-time Olympics gold medalist gymnast na si Carlos Yulo matapos nitong sunud-sunod na makatanggap ng cash incentives mula sa pamahalaan at iba’t ibang pribadong sektor dahil sa kanyang back-to-back gold win sa nagtapos na 2024 Paris Summer Olympics.
Isang grand heroes’ welcome ang sumalubong kay Carlos at iba pang atleta na lumahok sa recently concluded Paris Olympics at kasama na rito ang dalawang bronze medalists (in boxing) na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.
During the grand parade, namataan sa crowd ang ama ni Carlos na si Mark Andrew na super proud sa kanyang anak at in-acknowledge naman ng anak na nasa float sa pamamagitan ng pagsaludo rito. Hindi naman nakita ang kanyang controversial mother na si Angelica Poquiz-Yulo.
Sa kapal ng tao sa mga dinaanan ng parada, isa itong magandang indikasyon na sobrang proud ang mga kababayan ni Carlos at ng iba pang atleta sa kanilang naging performance sa nagtapos na Paris Olympics. Tumuloy ang mga atleta sa Malacanang Palace kung saan naghihintay si Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos at dalawa sa kanilang tatlong anak na sina Simon at Vincent.
Bago ang hapunan, inabot ni Pangulong Marcos kay Carlos ang kanyang P20-M incentive, P2M each sa mga bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio at tig-P1M each sa ibang atleta na lumahok sa Paris Olympics habang P500K naman sa mga coach ng mga atleta. Tumanggap din ng Presidential Medal of Merit si Carlos.
On the same day, ang fully-furnished P32-M worth of 3-bedroom condo unit in McKinley Hill was also turned over kay Carlo with matching P3M cash incentive mula sa Alliance Global Group CEO na si Kevin Tan kasama ang Megaworld President na si Lourdes Gutierrez. Kasama pa rito ng isang leaf art piece na gawa mismo sa totoong rubber tree leaves handcrafted by Megaworld employee and leaf artist na si Edimar Paclibar.
Ang mga tinanggap ni Carlos last Wednesday ay may mga kasunod pa.
In fact, nagpahayag si dating Ilocos Sur governor na si Luis ‘Chavit’ Singson na magbibigay pa siya ng P5M kay Carlos, pero ang gusto nito, sa pamilya ng atleta ito mapunta. Para kay Manong Chavit, mahalaga ang papel ng isang pamilya para sa isang tao para mas maging masuwerte siya sa buhay.
Napaka-suwerte ni Carlos at ng kanyang pamilya maging ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose laluna kung ito ang kanyang makakatuluyan.
Turning 25 on February 16, tiyak na lalong paghahandaan ni Carlos ang susunod niyang pagsabak sa Summer Olympics in 2028 na gaganapin naman sa Los Angeles, California, USA.
Samantala, kahit muling magkasundo sina Carlos at ang kanyang controversial mother na si Angelica, tumatak na sa isipan ng publiko ang kakaiba nitong ugali.
Kung gaano ka-hate ng marami ang ina ni Carlos ay siya namang papuri ang tinatangap ng kanyang simple and yet very proud and supportive father na si Mark Andrew.
MIFF 2025 sa Hollywood magiging mas malaki, Dingdong at Cher kukuning hosts
PLANO ng Manila International Film Festival committee na kunin si Dingdong Dantes to host the 2nd awards night ng MIFF sa unang Biyernes ng February 2025 na gaganapin sa grand ballroom ng Beverly Hilton in Beverly Hills, California, USA. Plano rin nilang kunin ang multi-Emmy awardee and KTLA news anchor na si Cher Calvin bilang co-host ni Dingdong. Si Cher ang kaisa-isang anak ng veteran actor na si Roger Calvin sa kanyang namayapang misis na si Dra. Delia Calvin.
Nangako ang pamunuan ng MIFF na mas bongga ang ikalawang taon ng MIFF na ang screening ng sampung pelikulang kalahok mula sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay mangyayari pa rin sa TCL Chinese Theatres in Hollywood.
Sina Vilma Santos at Christopher de Leon ang tatanggap ng “Lifetime Achievement” awards sa 2nd MIFF.
Bukod sa mga stars and talents na magmumula sa Pilipinas, inaasahan din ang pagdalo ng mga celebrities na sa Amerika na naka-base, particularly in California.
Kasama na sa Board of Directors ng MIFF si Gina Tabuena-Godinez, ang nakatatandang half-sister at dating manager ng `concert king’ na si Martin Nievera who is said to be handling the entire production.
Arabella sumusunod sa yapak nina Jackielou at Ricky
SA tatlong anak ng estranged couple na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco, ang kanilang pangatlo at bunsong anak na si Arabella Davao ang nagka-interes pumasok sa showbiz.
Si Arabella ay napapanood ngayon sa top-rating and long-running action drama series na “FPJ’s Ang Batang Quiapo” ni Coco Martin.
Thankful si Arabella na binigyan siya ng chance ni Coco na mapabilang sa kanyang well-followed action-drama series.
Si Arabella ay nasa pangangalaga ng Star Magic.
Proud parents ang former couple na sina Ricky at Jackie Lou dahil nakita rin nila sa kanilang bunso ang passion nito sa mundong kinabibilangan nila.
As parents na nasa same industry, maraming advises ang natatanggap si Arabella sa kanyang mga magulang. Nabibigyan din siya ng advise ng kanyang cousin na si Janine Gutierrez na mas naunang pumasok sa showbiz kesa sa kanya.
Ang maganda kay Arabella, tinapos muna nito ang kanyang pag-aaral sa college bago ito nag-showbiz tulad ng kanyang pinsang si Janine.
Sa obserbasyon ng marami, si Arabella ay mini-me ng kanyang mom na si Jackie Lou Blanco. Isa rin siya sa mga apo ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.
In “FPJ’s Ang Batang Quiapo,” siya’y gumaganap sa papel ni Katherine Caballero, apo ng mga characters na ginagampanan nina Jaime Fabregas at Tessie Tomas at love interest ng character ni McCoy de Leon.
Since bagito pa lamang si Arabella sa showbiz, alam niyang marami pa siyang pagdadaanan but she’s ready to face all the challenges.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.