Carlos happy ending ang inaasahan ng fans
KUNG gumawa ng kasaysayan ang multiple medalist bilang weightlifter (women’s division) na si Hidilyn Diaz bilang kauna-unahang Filipino na nakasungkit ng Olympic gold sa 2020 Summer Olympics in Tokyo, Japan, naging isa ring multiple medalist ang gymnast na si Carlos Yulo na nanalo ng gold (not only once but twice sa magkasunod na araw) sa ongoing Paris Olympics 2024 in France, isang historic and remarkable achievement ng isang Filipino athlete.
Although malayong-malayo ang Pilipinas kumpara sa mga leading countries sa Paris Olympics tulad ng Amerika, China, Australia, France, Great Britain, Japan, Korea at iba pang bansa pagdating sa paramihan ng medalyang nasusungkit, malaking achievement na ito para sa ating bansa sa Olympics na siyang pinakamalaking sports events sa buong mundo na every four years lamang ginaganap.
Ang Summer Olympic Games ay nagsimula nung taong 1896 sa Athens, Greece at magmula noon ay nagpalipat-lipat na ito ng iba’t ibang bansa. The 2024 Summer Olympics is currently being held in Paris, France na nagsimula last July 26, 20224 at magtatapos sa August 11, 2024.
Ang maiden participation ng Pilipinas sa Summer Olympic Games ay nangyari nung 1924 na ginanap din sa Paris, France.
Samantala, nakipag-agawan sa limelight ang controversial mother ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo. Although humingi na ito ng tawad sa kanyang anak sa pamamagitan ng isang press conference, she should have stopped talking and maligning her son in public from the very start. Itinaon pa niya ito sa pagbubunyi ng buong Pilipinas at ng mga Filipino maging sa ibang bansa dahil sa dalawang gold medals at karangalang nakuha ng anak.
Dapat inayos nila ang kanilang family squabble privately at hindi idinaan sa media at ibang tao na wala namang alam at kinalaman sa kanilang tampuhan o gusot bilang mag-ina o pamilya.
Kung gaano ka-soft spoken ang ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo na very proud sa achievements ng anak ay siya namang pagiging vocal ng kanyang inang si Angelica na kulang na lamang sapawan ang anak sa natamo nitong tagumpay hindi lamang para sa kanyang sarili at pamilya kundi para sa sambayanang Pilipino.
Bilang isang ina, hindi niya dapat siniraan in public ang kanyang anak na siya (Carlos) ang lumabas na may kasalanan. At kung halimbawa mang may naging kasalanan si Carlos bilang isang anak, di ba dapat ay nag-usap na lamang sila at ni-resolba nila ito in private at hindi sa isang press conference?
Hindi tuloy maiwasang ikumpara siya sa ina ng People’s Champ and boxing hero na si Manny Pacquiao na si Aling Dionisia na nagpakita ng pagmamahal at suporta at kung gaano ito ka-proud sa mga achievements ng anak.
Sa pagiging multi-millionaire na ngayon ni Carlos, natitiyak namin na hindi nito pababayaan ang kanyang pamilya na mabibigyan din nya ng magandang buhay.
Pagdating naman sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose, dapat na-realize din ni Angelica na nasa tamang edad na ang kanyang anak at may sarili nang mga desisyon na hindi na saklaw ng magulang.
Kung si Chloe ay siyang nagbibigay ng inspirasyon kay Caloy, bakit ito haharangan ng kanyang ina?
Si Chloe ay isang Filipino-Australian content creator na naka-base in Melbourne, Australia. She’s 22 at siyang unang nag-reach out bilang isang fan kay Carlos nung kasagsagan ng pandemic.
Dahil sa pandemic, they `dated virtually’ sa loob ng dalawang taon at nagkita lamang silang dalawa nung May 2022 sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam. Nag-celebrate naman ang dalawa ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan sa Hong Kong Disneyland.
Since then ay naging visible na si Chloe sa mga kumpetisyon na sinasalihan ni Carlos at kasama na rito ang 2024 Paris Olympics kung saan nakasungkit ng back—to-back gold win ang 24-year-old na atleta.
Although maihahalintulad sa isang teleserye ang buhay ni Carlos, lahat ng kanyang mga tagasuporta ay naniniwala at umaasa na magkakaroon ito ng happy ending.
Samantala, although naka-focus ang attention ng lahat sa Olympic back-to-back gold win ni Carlos marred by his mother’s own drama, dapat din nating ipagmalaki ang Bronze medal win ng Pinay boxer na si Aira Villegas in her first-ever Olympic participation.
Ang bronze medal ni Aira ay pangatlong win ng Pilipinas sa ongoing Olympic Games in Paris after the back-to-back gold win ni Carlos.
Alex binigyang-parangal sa Italy
BINIGYAN ng special recognition ang award-winning Filipino-Italian actress na si Alessandra de Rossi ng kinatawan ng kanyang hometown sa Martano, Italy dahil sa kanyang mga achievements bilang actress, writer, director at producer (sa Pilipinas) nung nakaraang August 5, 2024 habang nagbabakasyon ang actress kasama ang nakatatandang kapatid na si Assunta de Rossi at anak nitong si Fiore.
Ang parents ng magkapatid na Assunta at Alessandra na sina Luigi Schiavone at Nenita Tiotangco-Schiavone ay sa Martano, Italy pa rin naka-base kasama ang isa pa nilang kapatid na si Isabel.
Ang isa pa nilang sister na si Margherita ay nasa ibang bahagi in Europe.
Nagbakasyon sa Italy ang magkapatid na Assunta at Alessandra para dalawin ang kanilang parents at kapatid.
Very proud ang kanilang mga kababayan sa Martano sa achievments ng magkapatid laluna na si Alex na ang most recent movie ay ang “Firely” ng GMA Pictures na nakapagbigay sa kanya ng Best Supporting Actress award mula sa kauna-unahang Manila International Film Festival na ginanap sa Hollywood, California, USA last February 3, 2024.
Amy umaming nag-drugs at muntik magpakamatay
HINDI ikinakaila ng award-winning veteran actress na si Amy Austria na ang namayapang longtime partner, ang actor na si Jay Ilagan ang kanyang greatest love na tumagal ng siyam na taon until his untimely death in 1992 dahil sa isang vehicular accident.
Ang buong akala ni Amy ay gumuho na ang mundo sa kanya and at that time ay gusto na rin umano niyang sumunod sa kanyang longtime partner kung kanino umikot ang kanyang buhay. She went into drugs na umabot ng anim na taon until she realized na maraming magagandang opportunities na kanyang sinayang at pinalagpas. Sa tulong ng kanyang manager na si Manay Lolit Solis at malasakit ng malalapit niyang mga kaibigan sa industriya, unti-unting nakabawi si Amy laluna nang kanyang i-surrender ang kanyang sarili sa Diyos.
Naging mahirap man na iwan ni Amy ang bisyong kanyang kinasanayan, personal niya itong nalabanan dahil sa kanyang strong faith at hindi siya kailanman sumailalim ng rehab
Amy is a changed person because of her faith. Naging magaan sa kanya ang lahat including her career na sandali niyang tinalikuran at pinabayaan at ang pinakamagandang blessing sa kanya ni Lord ay nang makilala niya ang kanyang husband ngayon na si Duke Ventura, who is nine years her junior na sobra umano ang bait, responsible and supportive sa kanya at sa kanyang anak na si Alessandra, husband nito at dalawa niyang apo.
Although she prayed na bigyan siya ng makakasama sa buhay, she was also ready to grow old without a partner. Pero may iba umanong plano sa kanya si Lord dahil dumating sa kanyang buhay si Duke na kanyang pinakasalan nung January 10, 1999, seven years after mawala sa kanya si Jay and they celebrated their 25th anniversary last January. At that time, Amy was 36 at 27 naman si Duke.
Nakatagpo rin ng father figure ang kaisa-isang anak ni Amy na si Alex kay Duke who treated her just like his own daughter at Papa ang tawag nito sa kanya.
Bukod kay Duke, Amy also adores her in-laws na sobrang pagmamahal din ang ibinibigay sa kanya at sa kanyang anak na si Alex.
“I am so blessed,” bulalas niya nang ito’y aming makapanayam for our online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.