
Carlo nagi-enjoy sa misis na si Charlie
MAGPO-FORTY years old na ang award-winning at dating child actor na si Carlo Aquino sa darating na September 3, 2025 pero puwede pa rin itong mapagkamalan na in his late 20’s lang dahil napanatili nito ang kanyang pagiging young-looking hanggang ngayon kaya swak siya sa kapareha niyang ten years younger than him and even much more younger.
Anong sikreto niya?
“Beautederm!,” natatawa niyang sagot dahil isa siya sa brand ambassadors ng nasabing produkto na talagang ginagamit at pinaniniwalaan niya.
The 39-year-old award winning actor ay humarap sa ilang entertainment media sa kanyang muling paglagda sa bakuran ng Viva where he used to be a part of nung 2005 hanggang 2011. Maayos umano siyang nagpaalam sa Star Magic ng ABS-CBN kung saan siya bumalik matapos din niyang maging bahagi ng GMA.
Kahit nung panahong nasa pangangalaga pa siya ng Star Magic ay madalas siyang gumawa ng pelikula sa Viva tulad ng “Ulan” with Nadine Lustre, “Expensive Candy” with Julia Barretto na muling naulit sa 50th MMFF movie na “Hold Me Close”. Nakatrabaho rin niya si Bela Padilla in “Meet Me in St. Gallen”. Si Bela ay isa sa mga contract star ng Viva.
Ngayong nasa bakurang muli ng Viva si Carlo, he has more opportunities na makatrabaho ang ibang contract stars and talents ng kumpanya. Magkasama sila ngayon ni Anne Curtis sa bagong TV series ng ABS-CBN, ang “It’s Okay to Not Be Okay” na Philippine adaptation ng 2020 hit Korean TV series na pinagbidahan nina Kim Soo-hyun, Seo Yea-ji, Oh Hung-se at Park Gyu-young. May dalawa pa siyang dalawang bagong movie na sisimulan making him one of the busiest actors in town.
Come June 9 ay ise-celebrate nila ng kanyang wife, ang actress na si Charlie Dizon ang kanilang first anniversary bilang mag-asawa.
Ayon kay Carlo, sobra umano niyang ina-appreaciate ang maliliit na bagay na ginagawa sa kanya ng kanyang misis tulad ng pagluluto ng food for him at pagtitimpla ng coffee sa umaga.
Very close umano si Charlie na tinatawag niya sa kanyang real name na April sa kanyang almost four-year-old daughter na si Mithi (sa kanyang ex-GF na si Trina Candaza). Whenever sinusundo nila si Mithi sa ina nitong si Trina, they spend quality time with her. Minsan nga raw ay ayaw nang nitong umuwi.
“She’s very close kay April (Charlie Dizon),” pag-amin ni Carlo
May pagkakataon pa nga raw na mas tinatanong ng kanyang anak ang kanyang Tita April kesa sa kanya.
Dahil kay Mithi, hindi na mahihirapan si Charlie na mag-alaga ng anak sakaling mabiyayaan sila ni Carlo ng sarili nilang baby.
Samantala, aminado si Carlo na nagpi-pitch din umano ng material sa Viva na gusto niyang gawin. Since gamay na niya ang paggawa ng mga romantic drama, gusto naman niyang makagawa someday ng suspense-thriller at horror movies. Gusto rin umano niyang gumawa ng sitcom na hindi pa umano niya nasusubukan.
“Maraming opportunities ang puwede kong gawin dito sa Viva,” aniya.
Hindi rin umano siya namimili ng leading lady. Okey sa kanya kahit sino ang ibigay sa kanya ng Viva.
Willing ba siyang makatrabaho ang kanyang exes?
“Walang problema sa akin pero magpapaalam pa rin ako kay misis (Charlie),” natatawa niyang tugon.
Given the chance ay gusto rin umano niyang makatrabaho ang kanyang wife na si Charlie either sa bakuran ng Viva o sa ABS-CBN.
Kapag pareho silang libre ni Charlie ay naga-out-of town umano sila para lamang makapag-relax. Nagkataon kasi na pareho umano silang busy ngayon.
Ashtine unti-unti nang nakikilala
MATAPOS mabigyan ng big break ng Viva ang tambalan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo maging ang love-team nina Gab Lagman at Hyacinth Callado at iba pa, tila ang tambalan naman nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach ang inasahang magsa-shine sa pamamagitan ng kanilang tumatakbong Wattpad series, ang “Mutya ng Section E” series on Viva One na patuloy na umaani ng papuri sa kanilang growing fans.
Ashtine plays the role of “Jayjay” in the series with Andres Muhlach as her leading man, playing the role of Mark Keifer Watson habang si Rabin Angeles naman bilang si Yuri Hanamitchi. Kasama rin sa setye sina Katya Santos, Nanette Invendor, Andre Yllana, Axel Torres, Lander Vera-Perez, Yayo Aguila at iba pa.
During our interview with Ashtine, siya man ay hindi makapaniwala na maghi-hit at magsu-zoom up ang kanilang followers sa streaming app ng Viva One ang kanilang unang tambalan ni Andres kasama si Rabin.
Sobrang ina-appreciate ni Ashtine si Andres na sa kabila ng pagiging Muhlach nito at pagiging anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ay sobra umano itong mabait at madaling katrabaho kaya hindi umano siya nahirapang mag-adjust. Ngayon ay magkakaibigan na sila nina Rabin maging ang ibang young members ng cast.
“We are all having fun,” aniya.
Hindi rin makapaniwala si Ashtine na biglang magsu-shoot-up ang kanyang TikTok to 21.5M at 13 million followers.
Si Ashtine ay isa sa mga contestants ng reality talent show na “Born to be A Star” ng TV5 nung 2016. Ito ang naging daan para isa siya sa mapili bilang habagi ng isang girl group ng Viva, ang “U Go Girls” nung 2017. Naging bahagi rin siya ng P-Pop Generation group the following year hanggang sa grupong LITZ, another girl-group with five members.
Dahil sa naging experience ni Ashtine sa tatlong girl-group na kanyang inaniban ay nawala umano ang kanyang pagka-shy at nagkaroon siya ng self-confidence. Eventually, nag-desisyon si Boss Vic del Rosario ng Viva na gawin na siyang solo artist na isinabak hindi lamang sa singing and dancing kundi maging sa acting which she actually started doing kahit nung nasa girl group pa siya.
Aminado si Ashtine na biggest break umano sa kanya ang “Mutya ng Section E” series at thankful umano siya sa Viva sa malaking break na ipinagkatiwa sa kanya.
It took her almost nine years nang kanyang ma-realize na may pag-asa pala siyang sumikat na siyang nangyayari sa kanya ngayon.
Ngayon umano niya nalaman na kahit ang mommy niya ang nagpu-push sa kanya na mag-showbiz ay gusto din pala niya at nagi-enjoy umano siya sa ginagawa niya ngayon.
Bukod sa Viva, thankful umano siya sa kanyang parents sa kanilang pagiging supportive sa kanya maging sa kanyang growing fans sa kanilang ipapakita pagmamahal sa kanya.
Tinanong din namin si Ashtine kung nagparamdam na ba sa kanya si Andres laluna nung nakaraang Valentine’s day.
“Nasa taping po kami. It was a working Valentine’s day for us,” aniya.
Nahihiya pa si Ashtine sumagot na may kinalaman sa kanyang leading man na si Andres.
“Basta ang importante, masaya kami parati sa set with the rest of the cast,” aniya na tila pag-iwas sa aming tanong about Andres.
Sa kabila na kilala na siya ngayon, nakukuha pa rin ni Ashtine sumakay ng tren sa mga off hours na walang siksikan. May pagkakataon daw na nakikilala siya kapag wala siyang suot na mask.
Although may sariling sasakyan ang kanyang pamilya, wala pang sariling car si Ashtine na isa sa kanyang pangarap na makuha in the very near future.
We advised Ashtine na manatiling grounded kahit dumating ang panahon na sikat na sikat na siya na siya naman niyang pangako.
“Hindi ko po bibiguin ang Viva, ang mga fans maging ang parents ko,” deklara niya.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Folloe me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.