Hunt

Carla turns to Madeleine, does first Hollywood film

August 22, 2021 Aster Amoyo 357 views

Hunt1FIL-AM singer-actress-painter and commercial model Carla Humphries (33) has dumped her screen name and now uses her real name Madeleine Humphries in the US where she is now based. Her friends call her Madz.

It was early this year when she decided her luck in Los Angeles, California to rediscover herself.

Madeleine stars in an American short film, “The Hunt,” isang action sci-fi na dinirek ni Feben Garcia under Z Team Films and was premiered last August 13 sa Raleigh Studios in Hollywood, California, USA. The movie is now streaming online since August 20, 2021.

Si Feben ay siyang nagdirek ng Hollywood movie na “Die Fighting” at “The Witcher: Season 2”.

As Carla Humphries, she started her showbiz career in the Philippines in 2003 being part of ABS-CBN’s Star Circle (now Star Magic) 11 from 2003 to 2009. Naging bahagi rin siya ng TV5 in 2010 then moved to the management of Viva Artists Agency.

She was born in the US to a Filipina mother and Italian-American dad. Pangalawa sa apat na magkakapatid, silang dalawa ng kanyang elder brother na si Alec ay sa Amerika isinilang habang ang pangatlo na si Nicolas ay sa France habang ang bunso na si Samatha ay sa Pilipinas. Nag-aral siya ng Fine Arts sa University of Santo Tomas but moved to Centre for International Education (CIE) kung saan siya ang-switch to Entrepreneurship. She also took-up a nine-week jewelry design sa Gemology Institute of America (GIA) in Bangkok, Thailand.

Dahil sa pandemic, maraming actors ang nawalan ng trabaho. This made Madeleine decide her luck in the U.S.

It was struggle at first dahil wala siyang pamilya at mga kaibigan sa L.A. Madalas umano siyang umiiyak at dumaan din umano siya sa depression. Since wala siyang sasakyan, she had to walk at least 10 miles a day. She is thankful sa family ng Filipino-American Hollywood actor na si Dante Basco dahil pansamantala siyang kinupkop ng mga ito. Natuto rin siyang maglaba, maglinis, magluto at iba pang house chores dahil walang ibang gagawa nito para sa kanya.

Ngayon unti-unti na umanong nagpi-pay off ang kanyang hirap at pagtitiyaga sa Amerika. She left early this year patungong Amerika for good.

YassiYassi sa pelikula at TV hosting naman sasabak

HINDI naging madali sa Filipino-British singer, dancer, actress-host na si Yassi Pressman na bitawan ang kanyang role as Alyana Arevalo-Dalisay sa top rating and longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” where she played wife to lead character Carlo Dalisay played by actor-director Coco Martin lalupa’t limang taon niya itong ginampanan. Ayaw man niya umalis sa nasabing serye na napamahal na rin sa kanya ay kailangan niya itong gawin para makagawa ng pelikula and eventually ang kanyang pagiging host ng Philippine adaptation ng British game show na “Rolling In It” produced ng Viva Entertainment and Cignal TV and was launched last June 5, 2021 sa TV5. Ang nasabing game show ay napapanood din sa Sari Sari Channel every Sunday at 8 p.m. na nagsimula naman nung June 6, 2021.

Nagpapalasamat si Yassi kay Boss Vic del Rosario, ang top gun ng Viva dahil siya ang napiling mag-host sa local version ng “Rolling In It (Philippines),” her first ever-hosting job.

DindiDindiDindi bigo sa 2021 Miss Supranational

HINDI nasungkit ng kinatawan ng Pilipinas na si Dindi Pajares ang korona sa 2021 Miss Supranational na ginanap sa Strzelecki Park Amphitheater in Nowy Sacz, Poland last Saturday night, August 21 (August 22, Sunday morning sa Pilipinas), Napunta ito sa kinatawan ng Namibia na si Chanique Rabe besting 58 other candidates from around the world. Although she was an early favorite sa iba’t ibang pre-pageant challenges, pumasok lamang si Dindi sa Top 12. Ang 1st runner up ay ang kinatawan ng Puerto Rico na si Karla Guilfo Acevedo, 2nd runner-up ay ang South Africa na si Thato Mosehle, 3rd runner-up ang Venezuela na si Valentina Sanchez at ang 4th runner-up ay ang Dominican Republic representative na si Eonna Constanza. Ang iba pang pumasok sa Top 12 bukod sa Pilipinas ay ang Belgium, India, Indonesia, Netherlands, Poland at Romania.

Since pick-out lamang si Dindi from among the candidates ng 2021 Miss World Philippines to represent the country sa 2021 Miss Supranational na ginanap sa Poland, maaari pa rin kaya siyang bumalik at mag-compete sa 2021 Miss World Philippines? Ang coronation night ng 2021 Miss World Philippines ay dalawang beses nang na-postpone from July 25, 2021 to August 8, 2021 to an indefinite date dahil sa IATF’s restrictions.

An international flight attendant and Philippine Air Force reservist, si Dindi ay makailang ulit na ring sumali sa iba’t ibang beauty pageant. Pasok siya sa Top 20 ng Miss Earth Philippines in 2011 at dalawang beses din siyang sumali sa Bb. Pilipinas at nitong 2021 ay sumali siya sa Miss World Philippines and was handpicked to represent the country sa 2021 Miss Supranational in Poland.

Since 28 na si Dindi, ang Miss World Philippines will be her last try sa beauty pageant.

Kapag natuloy na ang coronation night ng 2021 Miss World Philippines, anim na lamang na korona ang naghihintay dahil tapos na ang 2021 Miss Supranational.

Paolo at LJ walang forever?

ANG buong akala ng marami ay pangmatagalan na ang relasyon ng dating live-in partners na Paolo Contis at Kapuso actress na si LJ Reyes lalupa’t meron na rin silang isang anak, ang more than two years old na si Summer Ayana Reyes Contis.

Si LJ ay may 11-year-son sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino na si Ethan Akio Reyes na naging malapit din kay Paolo na itinuring niyang second father.

Although wala pang personal na pag-amin sina Paolo at LJ sa kanilang recent break-up, agad itong napansin ng netizens dahil sa pag-delete nina Paolo at LJ sa kanilang respective Instagram accounts ng kanilang pictures na magkasama maging ang kanilang pag-unfollow sa Instragram.

Si Paolo ay halos siyam na taon nang hiwalay sa kanyang ex-wife na si Lian Paz now engaged sa kanyang longtime partner, ang dating cager-turned entrepreneur na si John Cabahug of Cebu. Ang dalawa ay meron na ring isang anak na si nina Alexandra (6).

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE