Carla, Tom opisyal nang mag-asawa

October 22, 2021 Aster Amoyo 188 views

SA araw na ito ng Sabado, October 23 ay opisyal nang magiging Mrs. Bartolome Mott ang Kapuso actress na si Carla Abellana (35) when she marries her fiancé, ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez (34) whose real name is Bartolome Alberto Mott na isang Filipino-American.

The couple is set to get married today sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas with their respective families, relatives and close friends in attendance.

Nagsimula ang love affair nina Carla at Tom sa hit primetime TV series na “My Husband’s Lover” sa GMA kung saan din nila kabituin ang actor na si Dennis Trillo.

Unknown to many, same year (2009) nagsimula pareho sina Carla at Tom sa kanilang respective showbiz career. Carla was launched into full stardom sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng hit Mexican telenovela na “Rosalinda” na pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia. Ang local version ay ginawa ring serye ng Kapuso network.

Bago pinasok ni Carla ang showbiz, siya’y nagtapos bilang cum laude ng Bachelor of Arts degree in Psychology sa De la Salle University.

Ang pagpasok ni Carla sa showbiz ay hindi naman nakapagtataka dahil anak siya ng veteran singer-actor na si Rey `PJ’ Abellana at dating aktres na si Rea Reyes. Apo rin siya ng veteran actress na si Delia Razon.

Si Tom naman ay nagsimulang makilala nang siya’y maging bahagi ng Philippine franchise ng reality show na “Pinoy Big Brother”. Nang siya’y lumabas sa Bahay ni Kuya, si Tom ay naging bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. In 2010, siya’y naging kapareha ni Angel Locsin sa isang episode ng MMK at kasunod na rito ang ilang TV series including the popular daytime TV soap na “Be Careful with My Heart” kung saan naman nabuo ang tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Pero nung 2013 ay lumipat ng GMA si Tom ay agad nabigyan ng kanyang unang serye sa nasabing network, ang “My Husband’s Lover” kung saan niya makikilala ang kanyang future wife na si Carla.

Matagal din ang naging relasyon nina Carla at Tom bago nag-desisyong mag-propose ang huli nung nakaraang March 2021.

Si Tom ay isang Filipino-American. Filipina ang kanyang ina from Catbalogan Samar habang isa namang retired American serviceman ang kanyang yumaong ama.

Bukod sa pagiging actor, sina Carla at Tom ay parehong singer.

DiegoDiego nakabawi na

GRINNING from ear to ear ang singer-actress na si Teresa Loyzaga dahil sa sunud-sunod ang proyekto ng kanyang actor son na si Diego Lozyaga (26) sa bakuran ng Viva na siyang nangangalaga ng karera nito ngayon.

Kung may panahon mang pansamantalang nawala sa sirkulasyon ang young actor, ngayon naman ay bumabawi siya nang husto with three movies in a row na sinimulan ng “Death of A Girlfriend” na pinagtambalan nila nila ni AJ Raval at direksiyon ni Yam Laranas na sinundan ng “Bekis On The Run” na dinirek naman ng premyadong director na si Joel Lamangan at ang “House Tour” na pinamahalaan naman ni Roman Perez, the director behind the suspense-thriller movies “Adan” and “The Housemaid”. He is about to start (o malamang nagsimula na) sa kanyang first movie with his girlfriend na si Barbie Imperial sa “Patungong Tayo,” isang romance film mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon.

May iba pang naka-line-up na proyekto ang kaisa-isang anak ni Teresa sa actor na si Cesar Montano kung kanino hindi in good terms ang your actor.

Diego signed up with Viva Artists Agency last year sa gitna na pandemya. Siya’y nasa pangangalaga dati ng Star Magic ng ABS-CBN at huling napanood sa TV series na “Los Bastardos” na hindi na niya tinapos in 2019.

YlonaKianaYlona at Kianna may billboard na rin sa NY Times Square

ANG 19-year-old Filipino-Australian singer, actress at TV personality na si Ylona Garcia ang pinakabagong Filipino celebrity na na-feature sa isang billboard sa isa sa pinaka-popular na lugar in New York City, USA, ang Times Square.

Hindi halos makapaniwala si Ylona na makikita niya ang kanyang sarili sa billboard ng isang popular spot in New York.

Si Ylona ay isa sa artists ng Equal Global flagship playlist ng Spotify, the world’s largest music streaming service provider. Bukod kay Ylona, na-feature din sa billboard in Times Square ang only daughter ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kianna. Ito’y bukod pa kina Heart Evangelista, Yam Concepcion at `King of Talk’ na si Boy Abunda as celebrity endorser naman ng mga kilalang world brand.

AJAJ gustong magpahinga muna sa social media

GUSTO munang ipahinga ng sexy star ng Viva na si AJ Raval ang kanyang social media accounts dahil naiipit siya ngayon sa `away’ ng dating mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Babalik na lamang umano siya sa isang taon kapag nag-die down na ang isyu na may kinalaman kina Aljur at Kylie.

Humingi din ng sorry si AJ kay Kylie dahil sa ginawa niyang nagsi-share at pag-repost ng post ni Aljur sa kanyang Instagram account na may kinalaman sa dating misis ng actor.

Ang sexy star ay isa sa 18 anak ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval at kaisa-isang sumunod sa yapak ng ama sa pagpasok sa showbiz.

Kilala si AJ sa pagiging vocal at honest sa kanyang mga sagot kahit pagdating sa kanyang personal na buhay.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE