Carla Abellana Carla Abellana

Carla nakakaintriga ang role sa #MPK

May 20, 2021 Eugene E. Asis 319 views

NGAYONG Sabado (May 22), tunghayan si Carla Abellana sa nakakaintrigang tunay na kwento ng isang ginang na ibinenta ang kanyang mister sa Magpakailanman.

Dahil maagang nagpakasal, itinakwil sina Precy (Carla) at Anthony (Rafael Rosell) ng kanilang pamilya. Kahit na dumanas ng hirap, naitaguyod nila nang maayos ang kanilang pamilya. Nang makilala ng mag-asawa si Rochelle (Katrina Halili) ay naging maginhawa ang kanilang buhay.

Naging malapit ang loob ni Anthony kay Rochelle hanggang sa natuklasan ni Precy na may relasyon na pala ang dalawa. Humingi naman ng tawad si Anthony kay Precy at nangakong magbabago na. Subalit, nagkasakit nang malubha ang ama ni Precy na si Ador (Rey “PJ” Abellana) at nangailangan ang pamilya ng malaking pera.

Dahil sa sobrang kagipitan at wala nang iba pang matakbuhan, lumapit na si Precy kay Rochelle para mangutang. Pero paano kung ang hinihinging kapalit kay Precy ni Rochelle ay ang bilhin si Anthony?

Sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, abangan ang natatanging pagganap ni Carla Abellana sa Magpakailanman episode na pinamagatang “Husband For Sale”, ngayong Sabado, 8pm, sa GMA, hosted by Mel Tiangco.

Martin at Sophia mukha ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’

ANG sportscaster at host na si Martin Javier at ang Ms. Multinational 2017 na si Sophia Senoron ang hosts ng ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ –ang primer ng nasabing liga na mapapanood sa GTV araw-araw simula ngayong Linggo (May 23).

Familiar face na sa Philippine sportscasting si Martin habang sigurado namang makaka-relate ang mga sports fan kay Sophia. Excited na nga ang dalawa sa nasabing sports program na magsisilbing warm-up na rin sa viewers bago ang official start ng NCAA Season 96.

“Napakagandang liga nito, napakaraming magagaling na players na nanggaling dito. Ako ay natutuwa na narito rin ako sa bagong tahanan ng NCAA,” share ni Martin sa interview nila ni Sophia sa 24 Oras.

“It’s really close to home. It’s really close to my heart and I’m so grateful to be given this opportunity [to host],” saad naman ni Sophia na graduate ng San Beda University na isa sa mga participating schools ng liga.

Mapapanood ang ‘Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96’ simula ngayong Linggo sa ganap na 5:05 p.m.; 4:30 p.m. naman tuwing Sabado; at 2:45 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes sa GTV. Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ito via GMA Pinoy TV at GMA News TV.

David at Thea sasabak sa takong race

SASABAK sa isang ‘takong race’ sina David Licauco at Thea Tolentino para sa pangarap at pag-ibig sa ‘Dear Uge Presents’ ngayong Linggo, May 23.

Gagawin ni Loida (Thea) ang lahat ng kanyang makakaya para maisalba ang shoe factory na ipinamana sa kanya ng kanyang ama. Dahil dito, makikilala niya ang negosyanteng si Andrew (David) at magkakaroon sila ng deal, kabilang na ang isang takong race.

Sa paglaban ni Loida para sa kanyang dream business, tila magwawagi rin siya sa puso ni Andrew. Kaya ba nilang paghaluin ang pag-ibig at negosyo?

Abangan ‘yan sa ‘Dear Uge Presents: Isang Takong, Isang Sagot’ ngayong Linggo, 3:35pm, sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE