carlabell

Carla, nag-welcome kay Pokwang sa GMA

June 4, 2021 Vinia Vivar 284 views

pokwangbeautyBukod kay John Lloyd Cruz, balitang may dalawa pang Kapamilya stars na lumipat na rin sa Kapuso. Ito ay sina Pokwang at Beauty Gonzalez.

Matatandaang 2018 pa nang unang lumabas ang mga haka-hakang magiging Kapuso na si Beauty matapos mapabalitang bumisita siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.

Uminit pa ang mga ispekulasyon nang mag-guest si Beauty sa Kapuso game show na Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.

At ngayon nga ay kumpirmado nang mapapanood sa GMA-7 si Beauty at parte siya ng isang upcoming soap.

Si Pokwang naman ay nag-post sa kanyang Instagram account last Wednesday na tila nasa dressing room siya na pinaniniwalang sa GMA-7.

Sa kanyang caption ay nagpapasalamat siya sa mga blessing na dumarating at sa dulo ay naglagay ng hashtag na #backtowork.

“Goodmorning minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive i love you at salamat po….. #Backtowork,” ang saad ni Pokwang.

Sa comment section ay nagkomento ang Kapuso actress na si Carla Abellana ng, “Wowowowow! Welcome!” kaya lalong naghinala ang netizens na tumalon na nga sa kabilang bakod ang komedyana.

Nagkomento rin ang celebrity stylist na si John Paul Dizon ng, “Mamang!!!!! OMG that dressing room!!!”

Sagot naman ni Pokie, “Anak silip ka naman please.”

Nag-congratulate na rin sa kanya ang fans niya at happy sila para sa komedyana.

Kung saang GMA-7 show mapapanood si Pokwang, that remains to be seen but we presume na soon na ito since nagte-taping na siya.

SERYENG LLOYDIE-JENNYLYN, ’DI IMPOSIBLE

Speaking of Lloydie, excited na ang fans nila ni Jennylyn Mercado sa muli nilang pagkikita bukas, Sunday, June 6.

Matatandaang unang minahal ng fans ang team-up nina Lloydie at Jen nang magkasama sila sa hit Star Cinema film na Just The 3 of Us noong 2016.

Matapos ang limang taon, muli silang magkikita at magsasama ngayon sa gaganaping Shopee 6.6 Midyear Sale live sa Araneta Coliseum kung saan ay special guest si Lloydie habang guest co-host naman si Jen. Mapapanood ito via live telecast sa GMA-7.

Kinilig nga agad ang kanilang fans nang mabalitaan ito at kanya-kanya silang post ng larawan nina Lloydie at Jen na magkasama.

“Reunion nila Daddey and Mommey? Abangan sa Shopee 6.6 Mid Year Sale event this Sunday, 2PM sa GMA,” ang caption ng isang post na nakita namin.

Well, sino nga naman ang mag-aakala na mapapanood sila together sa GMA-7 gayung dati ay tila nakapaimposible nito since magkahiwalay sila ng network.

Ngayong nasa GMA-7 na si Lloydie, siyempre, ang wish ng kanilang fans ay magsama silang dalawa ni Jen sa isang teleserye na mukhang hindi naman malayong mangyari.

AUTHOR PROFILE