Tom

Carla: Mahirap manahimik ’pag public figure ka

December 8, 2022 Vinia Vivar 103 views

Ayon kay Carla Abellana, mas pinili niya talagang huwag nang magsalita pa noong kasagsagan ng hiwalayan issue nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez dahil baka kung ano pa ang masabi niyang hindi maganda.

“I tried my best talaga na hindi magsalita and to stay silent kasi hindi naman din sa ayaw ko, but I owe that din to myself. Less is more kasi baka may masabi kang hindi maganda,” pahayag ni Carla sa vlog ni Camille Prats.

Pero sadyang nakapahirap talagang gawin ito when you’re a public figure.

“Kung tutuusin I’ve seen other celebrities na talagang zero na ano ba ilang taon bago nakapagsalita about whatever they went through. Ako nga feeling ko I even shared too much or said too much.

“Feeling ko lang naman na parang did I give away my privacy or some details na hindi dapat? Honestly, hindi madali ‘yun. Na you keep quiet and stay silent,” sey ng aktres.

Aminado naman siyang minsan ay kailangan din talagang magsalita, especially sa taong malalapit sa kanila.

“Sometimes the public, they feel like you owe them an explanation or answers. Kailangan din naman na mag-explain tayo lalo na let’s say sa mga managers natin or whatever, mga management ng network, ‘yung mga ganoong bagay kasi ayaw mo rin naman silang no idea or leave in the dark,” paliwanag niya.

“Gustuhin mo man to keep quiet but it’s also very hard for us, in our industry and career natin,” dagdag pa ng aktres.

Sa video ay makikitang mukha namang masaya na si Carla at tila naka-move-on na sa paghihiwalay nila ni Tom.

So far, wala namang naging reaction si Carla sa latest interview ni Tom kung saan ay sinabi ng aktor na mahal pa siya nito.

AUTHOR PROFILE