Carla at Ciara relate sa ‘once a cheater, always a cheater’ post ni Sharon
Sa bisperas ng kanyang 59th birthday kahapon ay nagbigay ng payo si Sharon Cuneta sa kanyang tatlong anak na babae ukol sa cheating.
Sa Instagram post ni Megastar ngayong araw ay makikita ang quotation na ganito ang nakasaad:
“If you sleep with a man while he has a girlfriend, one day that man will do the same to you.
“If he’ll cheat with you, he’ll cheat on you. Once a cheater, always a repeater.
“So better to have one loyal man on your side than 10 FAKE boys.”
Sa caption ay binilin ni Sharon sa mga anak na babae (KC, Frankie and Miel) at maging sa lahat ng kababaihan na basahin nang paulit-ulit ang quote at itanim sa isipan.
“For my daughters to remember – and to all of you ladies! Read this over and over again. And REMEMBER IT! ,” mensahe ni Mega.
“Once a cheater, ALWAYS a cheater!” she stressed.
Um-agree naman ang netizens at kapwa-celebrities kay Shawie.
Sey ni Carla Abellana, “100%.”
Sabi naman ng pamangkin ni Mega na si Ciara Sotto, “YESSSSSSSSSS YES AND YESSSSSS.”