Caretaker ng condo patay

July 20, 2021 Jonjon Reyes 140 views

ISANG caretaker ng isang condominoum unit ay patay ng barilin sa ulo ng riding-in-tandem Lunes ng hapon sa Ermita, Maynila.

Ayon sa after operation report ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay kinilalang si Markey Mahad Alih, 36, stay-in caregiver ng Unit 1175, 2nd flr, Plaza Tower, Guerrero St., Ermita.

Ang biktima ay nakatira sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, nangyari ang insidente bandang 3:40 p.m. sa kanto ng Guerrero St. at kanto at Arquiza St.

Bumibili ng bottled water ang biktima sa Aqua Clemente’s Purified Drinking Water nang dumating ang riding in tandem.

Nagsilbing look out ang isa at ang gunman ay naglakad patungo sa biktima saka walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Sakay ng NMAX na kulay itim ang mga suspek at kapwa nakasuot ng itim na jacket,sweater at helmet.

Ang mga suspek ay tumakas matapos ang pamamaril. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE