Rodriguez1

“Cancer-free nation” at mas mahusay na edukasyon, tututukan ng ATeacher Partylist

February 9, 2025 People's Tonight 145 views

TINIYAK ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pagsusulong ng mga programa para makamit ang cancer-free nation at ang pagpapabuti ng educational system sa bansa.

Nangako din si Rodriguez na isang negosyante at philantrophist na tututukan ang pagkakaroon ng mas maraming job opportunities para sa marginalized Filipinos.

Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng programa ng ATeachers Partylist ang pagsusulong ng paggamit ng oroganic fertilizers at pagkakaroon ng mas modernong farming methods.

“Part of our priority program is job and livelihood generation, using organic fertilizers, improving farming techniques or modernizing farming methods, building more schools and provide more benefits to the teachers,” ayon kay Rodriguez.

Ginawa ni Rodriguez sa idinaos na pamamahagi ng bigas, organic fertilizers, vitamins, food packs at pagsasagawa ng livelihood programs gaya ng hair cutting and dressing, at farming technique sa Aritao Elementary School isan Aritao, Nueva Vizcaya.

Katuwang ng ATeachers sa nasabing aktibidad si Aritao Mayor Remelina M. Peros-Galam.

Si Rodriguez na kilala ring advocate sa paglaban sa cancer ang kauna-unahang Pinay na nakalikha ng organic vitamins na “VeggieMax”.

Amg kaniyang libro na may titulong “Leave Nobody Hungry” ay makatutulong din para maresolba ang tumataas na presyo ng bigas at iba pang agricultural products dahil nagbibigay ito ng kaalaman sa paggamit ng modern technique at technology sa pagsasaka.

“Through scientific research and evaluation, I have these modern techniques and technology which I will share and impart these methods to our farmers,” ani Rodriguez.

Siniguro din ni Rodriguez na upang mas mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay isusulong ng ATeachers ang pagtatayo ng mas maraming silid-aralan, pagkakaroon ng dagdag na college courses, mas maraming guro at educational equipment upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga mag-aaral.

Kasama din aniya sa kanilang isusulong ang pagkakaroon ng dagdag na imprasraktura at kalsada patungo sa mga paaralan.

“My commitment is to invest in the country’s educational sector and its young learners to make the Philippine education system at par with other nations,” dagdag pa ni Rodriguez.

Hindi rin aniya dapat kalimutan ang pagtulong sa mga guro sa bansa na malaking bahagi para mapagbuti ang educational system.

AUTHOR PROFILE