Canadian Source: BI

Canadian na may pekeng PH visa naharang sa Clark airport

August 7, 2024 Jun I. Legaspi 96 views

ISANG Canadian na nagtangkang lumabas ng bansa patungong Hong Kong gamit ang pekeng Philippine Visa ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa international airport sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, naharang ang pasaherong si Nelson John Amos, 64, sa Clark International Airport (CIA) bago siya sumakay ng HK Express flight .

“He is now detained at our custodial facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City pending deportation proceedings,” saad ni Tansingco.

Hindi pinayagang bumiyahe ang dayuhan makaraang hindi binasa ng BI automated travel control system ang ACR I-Card na iniharap nito.

Kinalaunan natuklasan ang ACR I-Card number ng Canadian ay para sa isang Korean national na may ibang pangalan at birthdate kaya napatunayan na nag visa ay peke.

Inamin naman ni Amos na binili niya ang fake travel documents mula sa isang fixer na naningil ng P40,000 bilang processing at service fees.

Muli namang nagbabala si Tansingco sa mga dayuhan na mag-ingat sa mga fixers na nag-ooffer na ipoproseso ang kanilang dokumento.

Pinayuhan ni Tansingco ang mga dayuhan na direktang makipagtransaksyon sa 63 tanggapan ng BI sa buong bansa.

AUTHOR PROFILE