WHAT'S NEW

SEE ALL
Aljur

CAMPING PIC NINA ALJUR AT AJ, INULAN NG BATIKOS

August 10, 2023 Vinia Vivar 182 views

Inulan muli ng batikos sina Aljur Abrenica at AJ Raval matapos mag-post ang aktor ng larawan nila habang nagka-camping sa Canada.

Sa picture ay makikita na magkatabing nakaupo sina Aljur at AJ sa camping site at sa likod nila ay makikita ang isang camping van.

Nakalagay din sa post ang location na Big Fish Bay, Slave Lake sa Alberta, Canada.

May isang video rin na kasama ang post ni Aljur at makikita naman dito na may ibang friends silang kasama sa camping.

Sa comment section ay katakut-takot na bashing ang natanggap ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento:

โ€œKumusta naman ang asawa at mga anak mo idol???? kumusta naman ang pakiramdam ng nagsasaya ka na kasama ang bago mo tas bday ng anak mo na masaya din cla na wala ka.โ€

May mga nagtanggol din naman kay Aljur at naawa sa aktor sa mga natatanggap na pambabatikos.

โ€œHappy for you aljur. I know the true story. May pic tayo dati during my days at astro megamall. Hehe hayaan mo yung mga basher hahaha,โ€ komento ng isang netizen.

โ€œMay show po Silang dalawa sa Vancouver,โ€ paliwanag naman ng isa pa.

Pagtatanggol ng isa pang IG user, โ€œmay show po kasi sya sa vancouver. may jowa po si kylie, nauna pa po sya kay aljur at aj… at masaya sya ngaun… sana maging masaya ka na din.โ€

Sey naman ng isa pa, โ€œdahil ba nag post sya nang picture? si Kylie po una nagka jowa at hindi si aljur at aj. Dahil mukhang matino si Kylie, kala nyo sya yung kinawawa.โ€

AUTHOR PROFILE