Villar Camille Villar

Camille flattered sa suporta nina Ruffa, Mariel at Rufa Mae

March 2, 2025 Ian F. Fariñas 143 views
Pic
Beaver Lopez

BILANG self-confessed K-drama fan, sinabi ni Camille Villar na ang isa sa mga peg niya para sa Philippine showbiz ay ang Korean entertainment industry.

Paliwanag ng Las Pinas congresswoman na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Mayo, kitang-kita naman na kilala at hinahangaan ang Korean entertainment saan mang sulok ng mundo.

“It’s very successful worldwide so we should really give incentives for movie producers, show producers para mas dumami ‘yung mga material natin. Dapat mabigyan ‘yan ng incentives, and then siyempre, ‘yung mga workers natin in the industry should also be given support in the same manner that we support the different sectors. There should also be livelihood support, financial support that should be given to the people working in the media and entertainment industry,” anang senatoriable.

Hindi maikakaila na malapit sa puso ni Camille ang mundo ng showbiz dahil minsan na rin siyang naging bahagi nito bilang co-host sa now-defunct show ni Willie Revillame.

Kaya naman sa muli niyang pagtakbo, hindi rin nakakalimot sumuporta ang mga celebrity na napalapit na sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ilan sa mga ito ay sina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, Rufa Mae Quinto at marami pang iba.

Sey ni Camille, masaya at very flattered siya sa tiwala at tulong na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

“Sila talaga ‘yung nagpi-presenta,” kwento niya. “Kasi siyempre nahihiya naman ako and ‘yung friendship naman namin lasts beyond politics or business or anything like that. So… but they have been very supportive and in that sense, I feel very blessed.

“Nandiyan sila para sa ‘yo, yes, yes, nakakataba ng puso at nakakabigay din ng lakas ng loob,” patuloy ni Camille.

BARANGAY-FIRST AGENDA NG GRUPO NI BEAVER, LUMALAKAS

Pasok sa Top 20 ang Partido sa Bagong Pilipino (PBP) ni Beaver Lopez, dating mister ni Jackie Ejercito, matapos pumalo sa ika-19 na pwesto sa pinakabagong Tangere 2025 Pre-Election Party-List Survey.

Nakasungkit ang grupo ng 1.52% voter preference, senyales na lalong lumalawak ang suporta sa kanilang barangay-first agenda.

Pinangungunahan nina Beaver at dating Comelec Commissioner Atty. Goyo Larrazabal, ang PBP ay nakatutok sa mga isyu na diretsong ramdam sa mga barangay — malinis na tubig, mas maayos na health services, at matinong imprastraktura.

“Kung may pagbabago man, dapat magsimula ‘yan sa barangay. Diyan umiikot ang araw-araw na buhay ng bawat Pilipino,” ani Larrazabal. “Hindi pwedeng puro plano lang sa taas. Kailangan maramdaman sa komunidad mismo.”

Lumalakas ang suporta sa PBP sa mga lugar na matagal nang napapabayaan, kabilang ang Caraga at iba pang rural na rehiyon.

Ayon sa partido, isusulong nila sa Kongreso ang mga batas na magbibigay ng mas malaking pondo at kapangyarihan sa mga barangay para direktang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga residente.

Sa kabuuan, 156 party-list groups ang naglalaban para sa mga puwesto sa Kongreso sa 2025 midterm elections.

Sa gitna ng matinding kumpetisyon, ang pag-angat ng PBP sa survey ay malinaw na indikasyon ng lumalakas na hiling ng mga botante para sa mas tutok sa komunidad na pamumuno.

AUTHOR PROFILE