Call center agent wanted sa rape, tiklo

January 30, 2022 Melnie Ragasa-limena 102 views

NAARESTO ng pulisya ang isang call center agent na wanted sa kasong rape sa 8 a.m. sa kanyang tahahan sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Antonio Yarra, ang suspek ay nakilalang si Joneth Meneses, 31, ng Block 37, Lot 28, Lily St., Maligaya Park Subd., Brgy., Pasong Putik Proper, QC.

Si Meneses ay nasa No. 5 Station Level Most Wanted Person ng Pasong Putik Police Station (PS 16).

Batay sa ulat ni PS 16 commander, PLt. Col. Richard Mepania, si Meneses ay inaresto
sa bisa ng nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Maria Gilda Panganiban, Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 230.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.