Default Thumbnail

Call center agent natagpuang patay

June 21, 2023 Jonjon Reyes 368 views

PALAISIPAN sapulisya ang 56-anyos na lalaking call center agent na natagpuang patay nitong Martes sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni Police Capt.Dennis Turla, chief ng MPD Homicide Section, hinihinalang ilang araw nang patay ang biktima dahil nasa stage of decomposition na ang katawan nito nang madiskubre ng kanyang pamangkin na si Callista Miranda.

Huli umanong naka-chat ng umano’y biktima ang kanyang hipag noong June 17 ng umaga hinggil sa tatanggapin nitong diaper ng kanyang ina mula sa kamag-anak.

Noong Martes, kinakatok umano ng pamangkin ang biktima sa kanyang bahay upang abisuhan na lalabas na ng ospital ang kanyang ina matapos ang dalawang linggong confinement.

Gayunman, hindi umano tumutugon ang nasabing call center agent kahit ilang beses nang kumakatok sa bahay ang kanyang pamangkin kaya’t minabuti ng huli na pumasok sa backdoor na nagkokonekta naman sa kanilang bahay.

Dito na nadiskubre ni Callista na wala nang buhay ang kanyang tyuhin dahilan para ipagbigay alam din sa kinauukulan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

AUTHOR PROFILE