Default Thumbnail

Call center agent nagbigti

March 20, 2022 Jonjon Reyes 323 views

NATAGPUAN na lamang na nakabigti ang isang 24-anyos na binatang call center agent sa loob ng comfort room sa Domingo Santiago St.Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya Linggo ng madaling araw

Base sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section bandang 5:30 ng madaling araw, nang matagpuan ang binata.

Ayon sa ina ng biktima agad umano nitong ipinagbigay alam ang insidente sa kanilang nakakasakop na barangay. Isang Caesar Onchengco, kagawad, sa Brgy 570 Zone 56 ang nakipag ugnayan sa MPD- Gulod PCP at saka nila kinordon ang area.

Dito na nila itinawag sa Homicide Section ang insidente.

Huling nakitang buhay ang naturang call center agent ng bandang .11:00 ng gabi nitong Marso 18, taong kasalukuyan.

Wala naman umanong problema biktima ayon sa kanyang ina at sa nakapaligid na residente sa lugar. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE