Calista

Calista, yayamanin ang launch

March 9, 2022 People's Tonight 561 views

YAYAMANIN ang launching ng music video ng all-female group na Calista kasabay ang selebrasyon ng International Women’s Month.

In full production ang music video ng kanta nilang Race Car pati na ang pagpapakilala sa media ng Calista under ng TEAM ni Tyrone Escalante.

Magara ang ilaw at sumasabog sa ganda ang sounds. Preparasyon din ito ng Calista para sa Vax To Normal concert nila sa Araneta Coliseum sa April 26.

Binubuo nina Olive, Laiza, Anne Denise, Elle at Dain ang Calista na produced ng Merlion Events Production Inc.

Makakasama ng Calista sa debut concert nila sina Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Andrea Brilliantes, Darren Espanto at Ken San Jose. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE