Denise Larawan mula sa IG/Denise Esteban

‘Calendar girl vibes’

June 24, 2024 People's Tonight 132 views

NAG-ALA calendar girl ang Vivamax actress na si Denise Esteban sa ibinida nitong wangkata sa social media.

Kung alindog nga ang pag-uusapan, kayang-kaya makipagtapatan ni Denise sa mga bigating sexy actress na nafe-feature sa mga kalendaryo taon-taon.

Sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram, napa-wow ang netizens sa look ng hot actress.

Titig pa lang ng sexy star, talagang kaakit-akit na, pero kung titigan siya dahan-dahan pababa, bubulaga ang sumisirit niyang sex appeal.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ang seksing-seksi na si Denise suot ang red two-piece laced underwear.

Nawindang ang mga kelot niyang followers, kaya naman pinaulanan nila ng puso ang mga larawan ng sexy star.

Naging pamilyar ang publiko kay Denise dahil sa kanyang mga pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kara Krus (2022), High (School) On Sex (2022), Halo-Halo X (2023), at Star Dancer (2023).

AUTHOR PROFILE